Now we are here sa tambayan namin ni Heaven, it was so peaceful tanging nature lang ang makikita mo, the place, everything looks so fascinating.
“Ganda talaga dito, ano?” she uttered while still stuck staring with the beauty of this world.
“Hm, oo.” I nodded, matatayog ang mga puno, the leaves are swaying as the wind blew, plus malapit ‘to sa ilog kaya naman rinig na rinig mo ang ragasa ng agos.
For me, it was music to my ears. Maganda rin talaga kapag laking province ka at ganito kaganda ang tanawin.
“Shot!” itinaas niya ang baso, ngunit Zest-o choco naman ang laman nito. Ito na naman at baka malasing kaming dalawa.
“Bottoms up!” at itinaas ko din ang hawak kong basong may laman na chuckie.
“So ang utang mong chika, ano ba talaga kayo ni Kael, mag-ex?” tawa siya ng tawa, bakit kaya, wala namang nakakatawa sa tanong ko.
She doesn’t look so afraid sa tinanong ko, hindi rin naman siya na-offend.
“Sorry bhie, natawa lang. Yes, mag-ex kami ni gago.” she confessed, nangunot ang noo ko.
So that means, she’s secretly dating that stupid? Malamang Shaleah, kaya nga hindi mo alam kasi ‘secret’, siguro or baka naman gusto lang talaga nila ang lowkey relationship.
“Mag-ex, paano, bakit at — ghad naman, bakit hindi ko alam?” she was still laughing, kanino pa ‘to tawa ng tawa, nababaliw na ba ang gagang ‘to?
“May dumi ba ‘ko sa mukha, bhie?” tanong ko, lumapit siya sa akin para tanggalin ang sticky note na hindi ko namalayang meron pala ako sa noo.
What the effin, fuck? Bakit ako may ganito, at sinong tarantado ang naglagay nito?
“Napagtripan ka ni Asul, lakas talaga ng sapak.” Oh, I know that guy named, Asul, siya ang drummer ng banda nila Zed.
Siya rin ang mapang-asar kay Kael, kahapon.
“Anong nakalagay, patingin?” sabi ko, at halos umusok ang ilong ko sa nakasulat.
Pasok mga suki, presyong divisoria, sampu sampu, bente bente at iba pa.
Tangina? Saan niya nakuha ‘yon at ginawa pa ‘kong tindera. Babawian ko talaga ang Asul na ‘yon, basta talaga tropa ni Zed parang siya e, hayop.
“Back to the topic, so ayon, kwento.” pero nagulat ako dahil napailing iling siya sa sinabi ko.
“Past na kami ni Kael, kayo ni Zed ang present, so dapat ayon ang ikwento mo.”
Aba ang daya, ako magkwekwento, siya ang info niya lang ay ex niya si Kael, ano ba namang klaseng kaibigan ‘to.
“Hell no, give and take tayo, infos about sainyo, infos about sa ‘min.” I demanded, she just chuckled at tumingin nalang sa kapaligiran.
“H'wag nalang nating pag-usapan ang mga ‘yon, let’s try other things nalang.”
Sabagay, I won’t invade her privacy, choice niya namang hindi magkwento, maybe she’s not yet ready for story telling at baka masakit talaga ang story nila ni Kael.
“Oh, pulutan!” hinagis niya ang piattos na galing sa bag niya, ganito talaga ang tawag namin.
Tawag lang naman ang pagkakapareho namin sa liberated na tao, pero hindi naman kami liberated tulad nila.
Kumbaga sa hindi lahat ng nagmumura, masama ang ugali.
“Seryoso, ang pogi Zed, bhie!” sabi nito at nalasing na ata.
BINABASA MO ANG
Carried By The Current ( Alcantara Series #1 )
General Fiction- she who prefer the art of simplicity ; while he who mastered the art of being egocentric.