Kabanata 2

38 8 2
                                    

Rays of the sun, welcomed me. Another day, another try. That’s life, I guess.

“Lumabas ka diyan, Shaleah!” sigaw ni Mama, pakiramdam ko ay trauma pa din ako, tatlong buwan na ang nakakaraan magmula ng mawalan ako ng kapatid.

“Opo.” tanging sagot ko sa kanya.

“Ilang buwan nalang ay magtatapos ka na. Bakit nabalitaan ko na, bumaba daw ang marka mo?”

Wow, first time ata na naging concern si Mama sa grades ko. Should I call it a day, then?

“Pagbubutihan ko po.” tanging sagot ko at wala sa sariling tatango tango. Hindi ako makausap ng maayos, karaniwan ay puro tango lamang dahil nilalamon ako ng sistema kong punong puno ng pighati at lungkot.

Ako ang may kasalanan at dahilan, kung bakit wala na ang kapatid ko. Siguro nga pagkakamali na ipanganak ako.

Ginawa ko ang morning routine at agad na nagpaalam upang makapasok sa paaralan.

“Good morning, ganda!” bati sa ‘kin ni Trevor, talagang pasaway ito at madalas na kinukulit ako.

Ako siya ng konsehal, kaya’t nasa kanya na ang lahat. Sabi nga ng iba na maarte daw ako, dahil gusto na raw ako nito, pero pakipot ako.

Sa totoo lang sa kalagayan ko ngayon, wala na ata sa pag-iisip ko ang relasyon na ‘yan.

“Ganda, bakit malungkot ka?” tanong niya sa ‘kin, bumaling ako dito, ngunit kalaunan ay naglakad din patungo sa classroom.

“Uy bhie, alam kong hindi ka okay. Pero dito lang ako ah?” saad ni Heaven, siya ang kaibigan ko magmula pagkabata.

Parehas din kami na nagmula sa hindi mayamang pamilya, kaya siguro kami ang nagkakaintindihan. Wala ngang gustong makipag-kaibigan sa ‘min, lalo na sila Victoria, galing din kasi ito sa matataas na pamilya, sila ang may-ari ng ibang plantation dito sa school.

“May school fest tayo bukas, kung gusto niyong dumadag ‘to sa grades niyo, required na sumama kayo. May meeting lahat ng professors ngayon, kaya wala ng klase.” sabi ni Maa’m Aguilar at nagtalunan naman sa tuwa ang mga kaklase ko.

Siguradong concert na naman ang highlight bukas.

“Nako, dahil nakakastress at malapit na ang finals, let’s loosen up.” tumango ako kay Heaven.

“Bakit ba kasi gusto ako nila mudra na mag-doctor, gustong gusto ko talagang mag-attorney!”

Minsan talaga ay para siyang bata at nakanguso pa. Buti nalang at hindi ako pinilit ni Mama dito, hinayaan niya lang ako, hindi niya naman ako pinipigilan sa gusto ko, hindi nga lang talaga kami close at hindi na talaga magiging close.

“Bakit nga ba, hindi ka manlang umapila, ayaw mo naman nito.” umiling siya at ngumiti.

She’s beautiful and innocent, siguro nga’y parehas ang description sa ‘min, ang kaibahan ay mas positive siya compared sa ‘kin, and dagdag pa na mas magaling siyang mag-encourage.

“Hindi naman porke’t gusto mo dapat ipilit mo, aanhin mo ang pagiging masaya kung yung mga taong nakapaligid sayo hindi naman magiging masaya sa desisyon mo.”

Tama naman siya, but on the other hand, hindi naman pamilya niya ang magiging doctor, hindi naman sila ang mag-susuffer kung ayaw niya.

“Uy!” tawag ni Trevor at natawa naman siya.

“Yan pala ang manliligaw mo na yayamanin ang peg, pagkatiwala na kita diyan, keri mo naman ‘yan.” tawa niya at naglakad paalis.

“Hm?” tanong ko dito.

“Lunch, libre ko.” agad akong umiling iling sa offer niya. I am not gold digger, hinding hindi ko pinangarap ‘yan, I have wings kaya kong lumipad ng sarili lang, hindi ko kailangan ng ibang tao.

“Pwede tayong mag-sabay, pero hindi ako magpapalibre.” ngumuso ito sa ‘kin, he’s charming and handsome, lalo na’t ang cute ng malalim niyang dimples, kahit na nagsasalita ay kitang kita mo ito.

Dagdag pa ang mala-porselanang kulay nito, sabagay laging naka-aircon.

“Ang daya mo talaga kahit kailan, Shaleah.” nagmaktol ito na parang bata, pero wala naman siyang magawa. Buti nga at sumama pa ‘ko, tho ayan dagdag issue na naman ako sa school, dahil nga pansinin ang lalaking ‘to at sikat.

“Shaleah.” tawag niya sa ‘kin at lumingon naman ako.

“Kung manliligaw ba ‘ko, papayag ka?” nabilaukan ako sa sinabi niya, at agad na nilagok ang isang basong tubig.

Shit, nakakagulat naman ‘yon. Ano bang trip nito? I know deep behind his charming looks, playboy ang isang ‘to, at high maintenance ang mga babaeng dinadate niya.

“No, Trev. Kaibigan lang ang kailangan ko.” nangunot at noo niya.

“Pero, Shaleah. Hindi mo ba ‘ko gusto? Dahil ba mahigpit ang Mama mo?” sunod sunod niyang tanong.

“Gusto kita, bilang kaibigan. Hindi dahil mahigpit si Mama, dahil ayoko talaga, Trev.”

Graduating na kami, ayokong masira ang pag-aaral, at isa pa napakahaba pa para mag-settle ako sa isang relasyon, magiging doctor pa ‘ko.

“Paasa ka rin ‘no.” nilakasan niya ang boses, dahilan para marinig ng lahat ng kumakain dito sa cafeteria.

“Huh? Ano bang sinasabi mo?” takhang tanong ko.

“Ano, ginagamit mo lang ako Shaleah? Para sumikat? Pero hindi ka naman marunong mag-commit!” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Hindi totoo yon, hindi ako paasa sa kanya, nag-iba ang tingin sa akin ng mga tao, ang iba’y halata naman na disgusto at pagkamunghi, lalo na’t ang mga fans ni Trevor, dagdag pa dahil basketball player siya.

“Hindi kita pinaasa, wala akong kasalanan at hindi ako nagbigay ng motibo.”

Kahit ngayon lang maipagtanggol ko ang sarili ko, pero wala na. Mukhang malandi at mangangamit na ang tingin sa ‘kin ng mga tao.

“Excuse me, hindi ka pinaasa ng kaibigan ko!” sigaw ni Heaven, mula sa kalayuan.

“Akala ko pa naman hindi mo siya sasasaktan, pero wala ka palang kwenta.”

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito, alam kong galit siya, kahit sino naman ata ang mapagbintangan at maakusahan ay magagalit.

“Ilapag mo ang ebidensya na pinaasa ka niya. Ilapag mo lahat para sa kredibilidad mong ipagtanggol ang sarili, kung wala ay mananatili lamang itong haka-haka. A fact without evidence cannot be considered as one, especially when you are just pointing fingers, your oh so called fact is nothing but a mere conclusion.”

Dang! She studied, BS Biology pero bakit parang Political Science at Law ang inaral nito?

Agad naman na nag-tanguan ang iba at nanahimik si Trevor, ngunit biglang sumapaw at nagsalita si Victoria.

“Ofcourse, ipagtatanggol mo siya kasi kaibigan mo, parehas lang kayong mang-gagamit, sabagay a bird with the fame feathers, flocks together.”

“Excuse me, Benaviles. Saan mo naman nakuha ang statement mo, another haka haka?” Heaven blurted out, sarcastically.

“Don’t deny it, bitch. Ginamit mo si Kael just to gain fame.” napahilamos ako ng palad, may boyfriend siya. May ex? Bakit, hindi ako informed?

“Kung ginamit ko nga si Kael, bakit hindi pa din ako famous ngayon? Ayan ang pinagsasabi mo diba? Bakit, wala pa ding laman ang bulsa ko. Let’s go, Shaleah.” hinila niya ‘ko at nanatili ding lutang at tulala.

‘Bakit, hindi niya sinabi na may ex boyfriend sila? All this time, akala ko kilala ko na siya, hindi pala. Because right now, she wasn’t the Heaven Hadeline, I’ve used to play with, eversince.’

Carried By The Current ( Alcantara Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon