Napakalamig ngayon dito, at ramdam ko ang pagtama nito sa akin. Ang lamig ng gabi na nagpaparamdam sa akin kung gaano ako nag-iisa.
“Bhie, samahan na kita.” umiling ako sa offer ni Heaven, gusto kong mahanap at malaman ang problema ni Zed na ako lang dahil mukhang ako din naman ang dahilan kung bakit siya umalis.
Nang makalabas ako sa bar ay nararamdaman ko na parang may nakasunod sa ‘kin at tama nga ako.
“Calm down, Miss. Nag-aalala lang ako dahil baka mawala ka, sasamahan na kita sa paghanap kay Zed.”
Bakit ba ang feeling close niya? At bakit kailangan niyang mag-aalala sa ‘kin, given na fiancé lang naman ako ng kambal niya.
Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ang atensyon sa paghahanap kay Zed.
“Zed…” tanging nasabi ko, nagtangis ang bagang niya dahil napansin din ang kakambal niya na nasa likod ko.
“Tangina naman Zeij.” malutong na mura nito, he was clenching his fist, mainit ang dugo niya sa kakambal niya.
“I keep her safe, you should have thank me for that.” agad itong hinila ni Zed sa kwelyo at sinapak, this is the third time na nakita ko silang nagsasapakan.
“Putangina mo!” malakas na hiyaw ni Zed.
Dahan dahan akong yumakap sa likod ni Zed para pigilan siya, I know he’s mad and angry ayokong makisali at makisabat pa, siguro bilang fiancé kahit ito nalang ang magawa ko para mapakalma siya.
“Zed, tama na.” hindi siya nakikinig sa ‘kin, nanatili pa din niyang itinutuon ang malalakas na suntok sa kapatid niya.
“You don‘t understand, get your fucking hands, off me.” natatakot ako, I know hindi naman siya mabait, pero hindi ko rin alam kung bakit sobrang natatakot pala talaga siya magalit.
“Ano bang problema mo, nag-aalala sayo ang fiancé mo!” nagulat ako dahil nagalit na din si Zeij.
“She’s not my fucking fiancé, ganyan naman ang gusto mong marinig diba? Gago ka pala e, edi sayo na siya, wala naman akong mapapakinabangan diyan.”
My heart ache a lot, kung ano ang mga bagay na naririnig ko kay Mama, ay naririnig ko na ngayon kay Zed.
Kung ano ang mga bagay na nakakasakit sa ‘kin emotionally, naririnig ko na kay Zed.
“Tangina Zed, babae ‘yan.” napalakas na ang bulyaw at suntok ni Zeij.
“Edi magsama kayo ng tanginang babaeng ‘yan!”
Like a river, my tears flows down shamelessly, pakiramdam ko ay nanghihina din ang tuhod mo. Saktan mo na ako physically, but the emotional pain inflicted eversince bata ako, pakiramdam ko ay trauma na ‘yon.
Those scars won’t be healed, easily. Sabi nila na kapag tumatagal ay naghihilom daw, pero kahit naghilom ay dala dala ko pa din ang peklat na kumikirot tuwing magbabalik tanaw na naman ako sa nakaraan.
“Zed!” sigaw ni Asul, mabilis siyang tumakbo palapit sa amin, alam kong nag-aalala siya sa bestfriend niya, pero lamang din ang pagtatakha sa kanya dahil nga patuloy pa din ako sa pag-iyak.
Crying without sounds, are the most painful one. Walang hikbi, at tanging luha lamang ang walang tigil na bumubuhos.
Mukhang pati ang langit ay sinasabayan ang nararamdaman ko ngayon, dahil habang nakatingin sa kalangitan, ay kita ko din ang patak ng ulan.
“Bhie?” agad akong hinila ni Langit upang umiyak sa mga balikat niya.
Alam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon, alam niya kung gaano ako nasasaktan ng sobra, at higit sa lahat, she witnessed kung paano ako tratuhin ng sarili kong ina.
BINABASA MO ANG
Carried By The Current ( Alcantara Series #1 )
Ficción General- she who prefer the art of simplicity ; while he who mastered the art of being egocentric.