Kabanata 1

57 10 0
                                    

Memories flashed, like a lightning from the wide sky.

"Wala kang dulot sa pamilyang 'to!" sigaw sa 'kin ni Mama, pinigil ko ang mga luha at ngumiti pa din.

"Ma, I love you, eto po nagdala ako ng bibingka." itinabig niya ito sa inis.

"Ayoko niyan, baka lasunin mo pa 'ko at mga kapatid mo." ngumiti pa din ako, dahil mahal ko si Mama kahit na ganito pa ang turing niya sa 'kin, minsan nga'y napapaisip ako kung anak niya ba talaga ako.

"Wala akong tiwala sayo, Shaleah." malamig na saad niya, habang ako ay pinipigilan ang pag-iyak.

"Kang, tara dito may pasalubong si Ate." tawag ko kay Kang-kang ang kapatid ko na sumunod sa 'kin, sampung taon palang siya at si Jun naman ang bunso namin na limang taon pa lamang.

Napakahirap ng responsibilidad ng isang panganay.

"Ito oh, bibingka. Paghatian niyo ah, h'wag niyo nalang sabihin kay Mama at baka itapon niya." saad ko, malawak ang ngiti nito dahil paborito niya pa naman ang bibingka, at maging si Jun, lagi kasing ito ang pasalubong ko pagkagaling ko sa school.

Hindi naman kami mayaman, kaya ngayong huling taon ko sa kolehiyo ay sinisikap kong makatapos at makatulong.

"Pagtapos mong mag-aral, humanap ka na ng matitirahan, sapat na ang pagpapaaral ko sayo." napaluha na talaga ako sa sinabi niya.

Pakiramdam ko ay hindi niya talaga ako anak.

"Ma, naman, tutulong po ako sainyo." malakas ang sampal na natamo ko, at naramdaman ko ang matinding pamumula ng pisngi ko.

"Tigilan mo na 'ko, Shaleah. Tama na ang pag-papabigat mo ng ilang taon."

I don't understand, I am not perfect yet I know my stand, never akong nagloko sa pag-aaral, I was trying to be the perfect

"Alis, Shaleah, ayokong nakikita ka sa harapan ko dahil nag-iinit ang dugo ko sayo." ginawa ko ang sinabi niya, at pumunta sa tabing ilog.

Ang ganda ganda ng ilog, smooth and calming at talagang nararamdaman ko ang kapayapaan.

Just wanna be a river who's going to the flow, atleast may agos pero still, hindi ito kagaya ng alon ng dagat, tahimik lamang ito at magandang tingnan.

Nakangiti ako habang unti unting bumabagsak ang luha sa 'king mga mata.

I shouldn't be drown with tears, hindi pwedeng makita ni Mama na umiiyak ako, dahil ang sasabihin non panigurado na, ang drama drama ko.

Habang nakatingin ako sa payapang ilog ay nahagip ko ang isang lalaking - shems, naliligo pala.

Napatakip agad ako at tumayo, pero bago ako makatayo ay may humila sa kamay ko.

"Ano ba, bitawan mo 'ko!" sigaw ko dito at hindi pa din ako tumitingin.

"Wala kang boyfriend, Miss?" tumingin na 'ko, at hindi ito ang natagpuan kong naliligo kanina.

"Aray!" sigaw ko dahil pinipilit akong hilahin nito.

"Huwag ka ng pakipot, Miss." nakakadiri at malagkit ang mga tinginan nila, sakto din na nakashorts lang ako, dahil galing pa 'ko sa bahay at hindi na nagbihis.

"Bitawan niyo siya." his husky voice, filled my ears.

Nanginginig at kinakabahan pa din ako.

"Bakit, pre? Amin 'to, pwedeng pulutan - ." hindi pa tapos magsalita ang humihila sa 'kin, pero napabitaw ito dahil sa isang sapak mula sa estrangherong naliligo mula sa ilog.

"From now on, she's mine, never lay a single fucking finger." matigas na anas nito.

"Putangina, sino ka ba para mag-utos?" malakas na sigaw ng isang sa mga kasamahan nito. Agad niya 'kong hinila, at nagsilbing pananggalang.

Carried By The Current ( Alcantara Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon