Kabanata 3

39 8 4
                                    

Nakahalata na ata siya sa mga tinginan ko at pag-uusisa. Ofcourse, mahaba haba pa ang story na ikwekwento niya sa ‘kin.

“Don't worry I know you are upset, about that guy named ‘Kael’, but he’s nothing. Past is past, shouldn’t be brought up.” Okay fine, Shaleah. It was your bestfriend’s privacy, hayaan mo nalang siya.

I smiled and nodded, naiintindihan ko naman siya. Hindi naman dapat lahat ng bagay ay dapat alam ng mga tao, may mga bagay na kailangan nating i-keep sa sarili natin.

Because we all know that in the end, sarili natin ang kasama natin kapag nag-deal tayo sa bawa’t bagay sa buhay natin.

“Oh ghad, I need to go, kailangan na ‘ko ni mudra at pudra!” she said and bid her goodbye.

While the sun was setting down, I can’t help but to smile because I really love the night, I’m inlove with the moon and darkness, it ends everything yet it taught us na lahat ng bagay temporary lang, na hindi lahat mananatili.

Hinahanap na ‘ko ni Mama, sure ako ‘don, but I am still afraid to know the truth. Una palang naman, halata ko na, ampon lang ba ‘ko, o anak sa pagkakamali.

Kahit nga umuwi ako ng gabi ay wala siyang pakialam, that’s my mother but what can I do, that was also the woman I keep on believing and keep on loving.

Siya lang at si Jun ang mayroon ako sa mundong ‘to, sila lang ang pamilya ko, kaya no matter how cruel siya, deep down my heart, siya ang nanay ko.

I walked slowly dahil nagpapatuloy ako sa pagtingin sa buwan, how cute. Lalo na’t tulad ng isang batang walang muwang, na-aamaze pa din ako kapag sinusundan ako nito.

Oo nga pala at may school fest kami bukas, kailangan ko ‘yon, dahil running for achievements ako.

“Nandito na po ako.” I announced pero alam ko na ang bungad sa ‘kin ni Mama,

“Oh, bakit umuwi ka pa?”

I’m used to it, kaya ko naman. Siguro dala na rin na bata palang ako ay paulit ulit na itong nanunuot sa aking sistema.

Agad akong pumasok sa kwarto, buti nalang at nasa tapat ito ng bintana kaya’t nakatunghay at nakapalumbaba ako.

“Kailan kaya magiging kasing-ayos ng mga bituwin ang buhay ko?”

Siguro ako na ang pinakamasayang tao kapag, naging okay ang relationship namin ni Mama, yun ang success na inaasam ko.

Aanhin ko nga naman kung doctor na ‘ko pero hindi ako mahal ng pamilya ko.

“Shaleah.” nagtakha ako dahil sa tawag ni Mama.

“Po?” agad akong sumagot sa kanya.

“Hindi ka naman makakakuha agad ng trabaho pagkagraduate mo, nang may silbi ka, pumasok ka nalang sa bar diyan sa bayan at baka maiangat mo pa ang buhay natin at makapangasawa ng kano.”

Shit Ma, huwag naman pong ganito.

“Ma naman, makakahanap po ako ng trabaho pagtapos kong mag-aral, Ma h’wag naman pong ganyan, hindi ko po kaya.” naiiyak ako habang sinasabi ang mga salitang ‘yon.

“Maarte kang bata ka, mag-puta ka nalang!” sigaw nito at naiinis na.

“Ma, saktan niyo na po ako, please. Pero Ma, hinding hindi po ako papasok sa ganon.” iyak ako ng iyak, hindi ko kaya ‘yon, ayokong maging maduming babae at hindi ‘yon ang pinangarap ko.

“Bakit, Shaleah. Mapapakain ba ‘ko ng mga luha mo na ‘yan, ha? Mapapalamon ba niyan yung kapatid mo, wala ka ng ginawang tama, ayan na nga lang gagawin mo, ang arte mo pang gaga ka!”

Carried By The Current ( Alcantara Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon