A/N:
I will be mentioning a death of a kpop idol here. Pero hindi ko na siya papangalanan. Wala akong intensyong masama dito. Ayoko ring ungakatin ang sakit ng pagkawala niya.~~~
I am currently working on a sheet for almost three hours. Hindi ko mabalance yung pera. Parang may kulang. Kaya sinimulan ko ulit baka sakaling mabalance ko na. Baka may nakaligtaan lang ako. Hayun kaya naman pala, kulang ang na remit nung isang collector. I dial a number on the telephone beside me. Sinabi ko sa sumagot na tawagan iyong collector na nakatoka sa Brgy. San Mateo kasi kulang ang naremit nito. Hindi naman nagtagal ay dumating ang collector dala ang perang nawawala. Sinabi nito na nakalimutam daw niyang iremit dahil nagmamadali itong umalis kanina.
"Pasesiya na po ma'am, Kath. Hindi na po mauulit." Hinging paumanhin nito na nakayuko.
"It's okay. Thank you sa pagpunta. Pwede ka ng umalis." Sagot ko ng walang bakas na kahit na anong emosyon sa aking mukha. Dali daling itong umalis sa kinauupuan na para bang napapaso. Nakalimutan din nitong isara ang pintuan kaya naman ay narinig ko ang pinag-uusapan nila sa labas.
"Nakakatakot talaga si Ma'am Kathleen. Akala ko aatakihin na ako sa puso kanina. Ni hindi man lang siya ngumiti nung nagpasalamat ito."
"Ganun ba? Hindi naman ata kasi siya palangiti at palaimik."
"Ahh basta. Magpapalipat na ako ng pagreremittan. Alam mo ba ang tsimis? Mangkukulam daw si ma'am. Galing kasing Apayao. Kaya walang masyadong lumalapit sa kanya."
"Hala! Totoo ba iyan?!"
Tumayo ako sa aking kunauupuan at lumapit sa may pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"If you're going to talk behind my back, make sure that I am not around. Also make sure that you close the door properly when you leave. If you're brave enough, tell all those things in front of my face. And you don't want to work with me anymore? Okay. That's fine. Ako na mismo ang magsasabi sa taas na ilipat ka sa iba. If you're not comfortable working with me, I am not going to force you to stay."
Dire diretso kong sabi sa kanila. Halos mapatalon sila kanilang kinatatayuan at panawan ng ulirat ng malingunan ako. Tinaasan ko sila ng kilay bago isinara ang pinto at bumalik sa kinauupuan ko. Hinilot ko ang aking sentido dahil naloloka ako sa mga tao rito. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na maging dito sa opisina ay pinagkakamalan nila akong mangkukulam. Hindi lang ako nagsasalita at hindi ko sila pinapansin. Pero ngayon ay hindi ko napigilan ang aking sarili. Nakarinig ako ng katok. Inayos ko muna ang aking sarili.
"Pasok..."
"M-ma'am Kath, m-may papipirmihan lang po." Si Arlene, isa sa mga sekretarya dito. Halata sa mukha nito ang pag-aalangan. Marahil ay narinig nito kanina ang nangyari sa labas. Lumapit ito at iniaabot sa akin ang isang folder. Binasa ko muna iyon.
"Take a sit..." Saad ko dito ng mapansin na nakatayo lang ito. Agad naman itong tumalima. Napansin ko na nakatitig ito sa akin kaya tinignan ko siya. "What? May dumi ba sa mukha ko?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.
"Ahhm... Wala po ma'am..." Halod pabulong na sagot nito.
"Gusto mo rin bang lumipat sa iba?" Nakataas na kilay na tanong ko dito.
"Naku ma'am hindi po! Mas lalong ayaw kong makatrabaho yung iba. May mga pinapaboran po sila. Hindi naman ako pasipsip ma'am." Defensive na sagot nito.
"Hindi ka ba natatakot sa akin? Alam mo naman siguro ang mga kumakalat na tsismis dito." Tanong ko dito habang pinipirmahan na ang dala nitong mga papeles.
YOU ARE READING
OGD 3: Like We Used To
General Fiction"And if crying is the only way to survive your pain then cry. Cry and survive." - @thedeepestmessages