"Delivery po para kay Miss Kathleen Jane."
Napaangat ako ng tingin mula sa aking ginagawa. Wala naman akong matandaan na nagpadeliver ako. Kinuha ko na lamang ang pagkain. Baka galing kay OJ ito. Okay na kami. Sinuyo niya ako at humingi ito ng tawad sa nangyari noong nakaraan. Inamin nito na nagseselos lamang daw ito kay Raffy. Sinabi ko naman dito na wala dapat siyang ipagselos dahil magkaibigan na lamang kami. No more, no less. We're just friends. Sinabi ko rin dito na iiwasan ko na lamang banggitin si Raffy kapag magkasama kami. Umokay naman siya kaya, heto ayos na kaming dalawa. Ngunit hindi ko pa siya sinasagot. Hindi ko nga maintindihan ang aking sarili. Wala namang magagalit kaya okay lang na sagutin ko ito. Pero parang may pumipigil sa akin.
Nakita kong galing sa Hardin De La Fuente ang pagkain. Nang tignan ko ang laman ng boxes ay natakam ako. May mga salad at iba pang healthy foods ang nandoon. Oo nga pala, lunch break na. Hindi ko na namalayan ang oras.
Kinuha ko ang phone ko ng magvibratre ito. Akala ko si OJ ang nagtext ngunit si Raffy pala. Bigla akong natigilan. Ilang araw ko na din siyang iniiwasan para hindi na magselos si OJ. Hindi ko alam kung nahahalata ba nito dahil wala naman akong sinasabi dito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Raffy ang tungkol sa pag-iwas ko sa kanya.
From: RafRaffy
Hey, did you received the foods that I sent? Kumain ka na. Nagpapalipas ka naman ng gutom. That's not healthy, Kathleen Jane.
Napangiti ako dahil sa mensahe nito. Kahit na ilang araw ko na itong hindi kinakausap ay naiisip pa rin niya ako. Nakakaguilty nga lang. Wala naman kasing dahilan para iwasan ko ito. Wala kaming ginagawang masama pero ayoko rin namang isipin ni OJ na hindi ako seryoso sa kanya.
To: RafRaffy
Yes, Raffy. Na received ko na. Thank you. (: Hmm.. Kahit hindi mo na ito gawin. Kumakain naman ako at lumalabas naman kami ni OJ.
Nagdadalawang isip pa ako kung isesend ko iyon o hindi. But I click the send button. Kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon nito? Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako. Nagulat ako ng tumunog amg ringtone ko. It was Raffy. Tumatawag ito. Ilang ring pa ang pinalagpas ko bago sinagot ang tawag nito.
"Raffy..."
Halos pabulong na sagot ko dito. Hindi ito agad nagsalita ngunit naririnig ko ang paghinga nito.
"Ahmm..."
"May problema ba, Kathleen Jane?" Parang nakikita ko ang hitsura nito na nakakunot noo. Paano ko kaya sasabihin sa kanya ang pagseselos ni OJ?
"Hmm... Wala naman." Mahinang sagot ko dito.
"Wala naman pala. Ayaw mo na ba na pinapadalhan kita ng pagkain?" Masuyong tanong nito sa akin. Ngayon pa lang ay gusto ko ng bawiin ang sinabi ko dito.
YOU ARE READING
OGD 3: Like We Used To
General Fiction"And if crying is the only way to survive your pain then cry. Cry and survive." - @thedeepestmessages