CHAPTER 10: Alliah

3 0 0
                                    

To: RafRaffy

Good morning, Raffy. (: Have a nice day ahead. (:

Araw-araw ay nagsesend ako ng message kay Raffy. Kahit na wala itong reply. Para nga akong isang high school student na nagsesend ng text araw araw sa crush niya. Nalulungkot ako dahil sa nangyari sa amin. Kasalanan ko din naman dahil mas pinili ko ang taong akala ko ay mabuti para sa akin. Hindi na kami gaanong nagkakausap. Hindi ko na rin siya masyadong nakikita. Mula ng araw na iba ang sumagot sa tawag ko ay hindi na ako mapakali. Ayokong isipin na may ibang babae na itong kasama. Hindi pa ako handa.

Nagseselos ka lang!

Umiling ko. Hindi ako nagseselos. Pero paano kung nagseselos nga ako? Ibig sabihin ay gusto ko pa rin talaga si Raffy. Pero parang ang labo naman ata. Naguguluhan ako. Kailangan ko na talagang makausap si Raffy.

I decided to visit Raffy at Hardin De La Fuente. I parked my car, yes my car. I already bought a car para hindi na rin hassle sa biyahe. I am wearing a floral dress and a flat sandals. Heto ang unang araw na lumabas ako. Nagkulong ako sa apartment ko, wala akong ibang kinakausap maliban sa pamilya at mga kaibigan ko. Hindi rin ako nag checheck masyado sa twitter o facebook.

Hinanap ko agad si Raffy ng makarating ako doon. Nagtanong ako sa guard pero sinabi nito na naka-off daw ito at nasa sideline siya. Alam ko naman kung anong sideline iyon. Baka nasa studio ito ng Lente Ilocos. Doon kasi madalas iyong shoot niya. Kaya nagpunta agad ako doon. Yayayain ko itong kumain. Baka tapos na ang shoot niya.

Pinapasok naman ako ng guard dahil ilang beses na rin akong sinasama noon ni Raffy dito. Alam ko kung saang studio siya hahanapin. Nginingitian ko ang ibang nakakasalubong ko dahil namumukahan nila ako at ganun din naman ako sa kanila. Nang nasa tapat na ako ng studio ay nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi. Anong sasabihin ko kung bakit nandoon ako?

"Ma'am Kath ikaw po ba iyan?"

Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko. I saw Justine, katrabaho ni Raffy. Nginitian ko ito.

"Justine.."

"Ang tagal na din noong huli mong punta dito. Kumusta ka na? Nandito ka ba para kay Chef Raffy? Tapos na ata iyong shoot niya. Nagpapack up na sila. Halika."

Wala akong nagawa nung hilain niya ako papasok sa loob. Tama nga ito, tapos na ang shoot at nag-aayos na sila.

"Almira, nasaan si Raffy?" Tanong ni Justine sa babaeng nakasalamin.

"Nasa may couch. Kasama niya si Miss Alliah."

Napatigil ako. Alliah? Sino siya?

"Sige salamat. Halika na Ma'am Kath. Nandoon daw si Raffy."

Gaya kanina ay hinila niya ako papunta sa kinaroroonan ni Raffy. Habang papalpit kami ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung para saan ang kabang iyon. Parang may tambol sa loob ng puso ko.

"Ah, hayun sila!"

Napatingin ako sa tinuro nito. Nandoon nga si Raffy. May kasama itong magandang babae at nagkakatawan sila. May kirot akong naramdaman sa puso ko. Parang ayoko ng tumuloy. Magpapalam na sana ako pero natawag na ni Justine si Raffy.

"Raffy! Nandito si Ma'am Kath"

Natigil sa pag-uusap ang dalawa at napatingin sila sa direksyon ko. Nawala ang ngiti sa mga labi nung babaeng kausap ni Raffy. Si Raffy naman ay natigilan, pagkaraan ay ngumiti ito sa akin, ngunit isang ngiti na wala man lang mababakas na kasiyahan o ano. Wala na akong nagawa kundi lumapit sa kanila kahit pa nanginginig ang mga tuhod ko sa bawat paghakbang ko. Tumayo si Raffy ng makalapit ako sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OGD 3: Like We Used To Where stories live. Discover now