CHAPTER 1: Good Morning

14 1 0
                                    

I was walking down the hallway when I heard some murmurs.

"Hayan na ang mangkukulam"

"Anong ginagawa niya dito?"

"Baka may kukulamin?"

"Hindi ba palagi iyan sa unit ni Raffy?"

"Hala! Baka kinulam niya o ginayuma si pogi! Kawawa naman!"

I couldn't take it anymore. I stop and face those tsismongers na tanders. I look at them without uttering a single word. I look each one of them. Eye to eye. I respect the elderly people. Pero kung ganito lang din sila, they don't deserve my respect. As the saying goes 'respect begets respect'. Wala akong ginagawa sa kanila tapos pagtsitsimisan nila ako? How rude.

"Naku! Naku! Huwag kayong titingin sa mga mata niya! Magiging alipin niya kayo!"

"Umalis na tayo! Baka tayo pa ang isunod niyang kulamin!"

Agad silang umalis doon. Ang aga-aga nagkukumpulan sila at nagtsistismisan. Bakit hindi na lang sila maging productive early in the morning? Magluto, maglaba, o maglinis? Kesa iyong mga bunganga nila ang ine-exercise nila.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa unit ni Raffy. May susi naman ako ng unit niya kaya okay lang. Sinabi ko naman dito sa pupunta ako ng maaga pero masyado yata akong napaaga dahil naabutan ko yung mga tsismosa. Naka condo na nga may mga tsismosa pa rin.

I don't remember when these people started calling me a witch. That I practice witchcraft and sorcery. Siguro dahil hindi ako masyadong umiimik at lagi lang akong nakamasid? Or because of the way I stare? Or dahil nalaman nila na taga-Apayao ako? Eh hindi naman doon yung tinatawag nilang "Land of mangkukulam", sa ibang bayan naman iyon.

Wala naman talaga akong pakialam sa mga iniisip nila. Kaso minsan kasi, napupuno din ako at sumosobra na sila. Gaya nga ng sabi ko kanina, wala akong ginawa sa kanila. Hindi naman masama na magpapaniwala sila sa mga ganun. Pero ang masama pinaghihinalaan nila ang mga taong inosente. Mas mukha pa silang mga mangkukulam kesa sa akin.

Siguro may mga nagpapractice pa rin ng witchcraft pero not me. Tsaka sa pagkakaalam ko, hindi naman sila basta basta nangkukulam ng walang dahilan. Unless you upset them or you offended them. Or pinatrabaho sa kanila or natipuhan ka. Tsk. Tsk. These people, kung mangkukulam man ako ang una kong gagawin ay tatahiin ko mga bunganga nila para hindi na sila makapagtsismisan pa.

Nakarating na ako sa tapat ng unit ni Raffy ng hindi ko namamalayan. Puro kasi witch ang nasa isip ko. Raffy is living at the Balai Condominium located at San Nicolas, Ilocos Norte. I went inside his unit. As usal, malinis ang loob. Halatang lalake ang nakatira. Nagtaka ako ng hindi ko siya makita. I went to the kitchen and he is nowhere to be seen. I went to his room and ta-dah! Tulog pa ang loko. I thought he was awake already because he replied to my message. Huminga ako ng malalim bago sumigaw ng pagkalakas lakas.

"Raaaaaaaffyyyy!!!" Buong lakas na aking sigaw. Napabalikwas ito ng bangon at tila hilong talilong.

"M-may sunog?! May sunog?! Tara na! Umalis na tayo dito!" Natataranta nitong sagot. Tila hindi pa gising ang diwa nito dahil bitbit nito ang isang unan at kumot. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at humagikgik ako dahil sa hitsura nito. Napansin ata nito ang aking presensiya. Tumigil ito at iniikot ang paningin sa loon ng silid. Mukhang tuluyuan na itong nagising dahil kunot na kunot ang noo nito na nakatitig sa akin.

"What the hell? Ikaw yung sumigaw? What are you even doing here Kathleen Jane? Ang aga aga." Bumalik ito sa kama para ilagay ang bitbit na unan at kumot. Ako naman ay tuluyan ng tumawa.

"And good morning too, Raffy! You should have seen your face!" I said in between laughter.

"What are you doing here? It is only..." Tinignan nito ang orasan sa bed side table. "...6:15 in the morning" Nakakunot pa rin ang noo nito.

"I told you that I am coming over. I thought you were already awake 'cause you replied to my message." Lumapit ako sa kama nito at inayos ang higaan nito. "Gutom na ako Raffy. Gusto ko ng pancake at sausage ng McDonald's."

"Tsk. Gutom ka lang pala nambubulabog ka pa. Bakit hindi ka na lang pumunta sa McDonald's?" Nakasimangot na sagot nito.

"Wala akong kasama!"

"Bakit hindi mo kulitin iyong iba mong mga kaibigan?" Pumunta ito ng banyo para siguro maghilamos. He's wearing a black sando and a navy blue shorts. Nakapaa rin ito. Napasimangot naman ako. Yes I do have other friends. Pero may mga lakad sila.

"Nah. It's Saturday. Family day at alam mong hindi ako basta basta makakauwi sa atin dahil weekends binabagsak yung mga goods dito galing sa amin. Si Fifi, alam mong kasal na. Baka gumagawa na sila ng baby number three ni Jay-R." Sagot ko dito. Lumabas ito at nagtungo sa kusina. Ako naman ay nakasunod lang dito.

I own a piece of land in Apayao. Pamana sa amin ni papa, pero hindi pa siya patay. Sa iba lang kasi siya tumutuloy. Pinataniman ko iyon ng iba't ibang klase ng gulay at puno ng niyog para may mapagkuhanan ako ng income. Sayang naman kasi kung hahayaan na lamang iyon at mga damo ang tutubo doon. Akala ko nga hindi mabubuhay ang mga tinanim doon. Lumago ang taniman at ngayon ay isa kami sa mga nagsusupply ng gulay dito sa Ilocos Norte. Kaya maaga akong nagpunta dito kasi maagang dumating yung mga magdedeliver. Ako rin ang nagsusupply sa kainan nina mamita Jayzelle. Aside from that, I am working as an accountant sa isang lending company.

"Tss. Tinatamad akong lumabas."

"Huh? Hindi ka pwedeng tamarin! Nagugutom na ako!" Nakakatawa dahil supplier ako ng pagkain pero hindi ako ganun kagaling magluto. Kaya palagi ako sa labas kumakain.

"Dito na lang tayo kumain. Papadeliver na lang tayo." Humihikab na sagot nito. Inaantok pa rin talaga ito. Napapalakpak naman ako dahil doon. Hindi nagtagal ay tumawag na ito at nagpadeliver ng agahan namin.

I stayed there until lunch. Nagluto ito ng kare kare at pritong galungong. We watched movies and listened to kpop music all day. Puro K-drama ang pinanood namin. Minsan ay tinatawanan niya ako dahil sinasabayan ko ang pag-iyak nung bida. Kapag galit ito ay galit din ako. Wala naman itong reklamo sa pinapanood namin. Isa iyon sa mga gusto ko sa kanya. Kahit na anong gawin ko ay hinahayaan niya lang ako. Hindi ito nagrereklamo. What a nice friend.

Gabi na ng magpasya akong umuwi. Nakatira ako sa isang apartment sa Laoag. Mag-isa lang ako doon. Paglabas namin sa unit nito ay nandun na naman ang mga tsismongers na tanders. Nagbubulongan sila nang makita kami. I raised an eyebrow when we were about to pass by.

"Huwag mo na silang pansinin." Bulong ni Raffy sa akin.

Pero mas nagbulungan pa sila. Tumigil ako at itinaas ang aking mga kamay. Maging si Raffy ay nagtataka sa aking ikinilos. Hinarap ko ang mga tsismongers na tanders, tumirik ang aking mga mata at sinimulan kong magsalita ng mga katagang maging ako ay hindi ko maintindihan at alam ang ibig sabihin.

"Ahmmm... Ahmmm... Ishkarabes... Tsismerish... Shubabers... Mershkaresish... Ahhmm.."

Nanlalaki ang kanilang mga mata at agad nagsipasukan sa kani kanilang tirahan habang sumisigaw. Nang mawala na sila ay nagkatinginan kami ni Raffy at sabay na humagalpak ng tawa.

"Baliw ka talaga. Mas lalo lang silang maniniwala ngayon na isa kang mangkukulam dahil sa ginawa mo." Natatawa pa rin ito hanggang ngayon.

"Bakit ba? Kaninang umaga pa sila eh." Naluluha na rin ako sa kakatawa.

"Halika ka na nga." Inihatid niya ako hanggang sakayan ng jeep. "Itext mo ako kapag nakauwi ka na."

"Opo, tatay. Bye."

I laughed when he made a face. Umandar na ang jeep pero nakatayo pa rin siya doon. Paalis na ang sinasakyan ko ng makita ko itong pabalik na sa tinutuluyan nito.

OGD 3: Like We Used To Where stories live. Discover now