CHAPTER 7: One Last Time

5 0 0
                                    

Masaya ang lahat sa araw na ito dahil bisperas na ng bagong taon. Maaga pa lamang ay marami ng nagpapaputok. Masaya ako dahil maraming magagandang nangyari sa taong ito. Excited din ako dahil ilang buwan na lang at concert na ng 2NE1. And speaking of concert, si OJ na nga ang sasama sa akin. Ilang sorry din ang narinig ko mula dito. Isa isa din daw nitong pinuntahan ang mga kaibigan ko para humingi ng tawad sa inasal nito noong nakaraan. Kinausap rin niya ako tungkol kay Raffy. Hindi na daw niya ako pipigilang makipag-usap kay Raffy. Naisip daw nito na mas nauna daw si Raffy sa buhay ko at tanggap na daw niya iyon. Kaya walang kaso magkausap man daw kami. Kung gusto daw niya akong mahalin at makasama, ay tatanggapin niya daw lahat sa akin maging ang nakaraan ko. Natouch naman ako na sinabi nito.

Ilang linggo ko ding iniwasan si Raffy dahil nahihiya talaga ako dito. Baka kung ano na ang inisip nito. Na baka sa isang ganung lalake ko lang siya pinalit. Ngunit nagulat ako ng minsang pinuntahan niya ako sa amin. Sinabi naman niya na wala na daw iyon. As long as I am safe at hindi ako sinasaktan ni OJ walang magiging problema.

Nasa Batangas si OJ, sa mga kamag-anak nila. Doon ito nagpasko at magbabagong taon. Sinabi niya na magtetext o di kaya ay tatawag na lamang daw ito sa akin. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na kahit na anong mensahe o tawag mula sa kanya. Okay lang din naman sa akin. Baka busy ito sa pamilya niya.

"Ma! Lalabas lang ako! Maglilibot kami ni Raffy!"

Paalam ko kay mama na nasa kusina. Okay na kami ni Raffy ngayon. Muli na namang bumabalik ang closeness namin. Ngayon ay maglilibot kami sa aming lugar.

"Mag-ingat kayo, anak. Huwag rin kayong magpagabi."

Bilin ni mama sa akin. Nagtungo ako sa aking kwarto at kinuha ang maliit kong bag. Saktong paglabas ko ay dumating na din si Raffy. Nakasakay ito sa motor. He took off his helmet, bumaba ito at hinintay akong makalapit sa kanya. Napasinghap ako ng makita ito ng maigi. Nakangiti ito sa akin. Napakafresh at gwapo nito. He's wearing a colorful sando, may bandana rin sa leeg nito. Hindi naman kami nag-usap kung anong susuotin namin ngunit parehas kami ng disenyo ng damit. I am wearing a fuchsia pink shirt. Nakapants lang din ako at snickers.

"Raffy!"

Halos patakbo akong lumapit sa kanya. Natatawa ito na naiiling ng nasa tabi na ako nito.

"Someone's excited." Biro nito sa akin. Hinampas ko ang braso nito.

"Hindi naman!"

Natutuwa lang ako dahil unti unti na namang bumabalik kami sa dati. Mabuti na lang din at nasabi sa akin ni OJ na okay na ito kay Raffy.

"Halika ka na para maaga tayong makabalik."

Aya nito sa akin. Tumango ako dito. Isinuot nito ang extrang helmet sa akin. Sumakay na itong muli sa dalang motor at pinaandar ito. Ako naman ay sumakay sa likod nito.

"Humawak ka ng mahigpit."

Bilin nito sa akin. Hindi ko alam kung saan ako hahawak. Sa balikat ba nito o sa bewang. Bigla tuloy akong nahiya. Kung hahawak ako sa bewang nito ay para na akong nakayakap dito. Tila nainip ito. Ito na mismo ang kumuha sa aking mga kamay at inilagay nito sa kanyang bewang. Hindi ko man nakikita ang aking sarili ay alam kong namumula ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkalapit kaming dalawa. Pinatakbo na nito ang motor. Lumabas kami sa aming baranggay.

OGD 3: Like We Used To Where stories live. Discover now