CHAPTER 3: Vacation

15 1 0
                                    

I filed a leave for a week. Hindi naman mahirap kausapin iyong boss ko. Pinayagan naman agad ako. Iyong iba lang doon tumataas ang kilay kapag pinapaboran ako ng aming boss. Wala naman akong pakialam doon.

Uuwi ako sa amin. Every month ay umuuwi ako kahit isang linggo lang para ma check ang mga bagay doon at mabisita sina mama at papa. Kahit na hiwalay na sila ay hindi naman naging hadlang iyon para mabawasan ang pagmamahal ko sa kanila. Feeling ko nga eh, nag-iinarte lang ang mga iyon. Feeling teenagers. Nakapagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ko. Nagbilin din sila ng bibingka. Kahit kailan naman ay iyon ang gusto nilang pasalubong kapag umuuwi ako galing sa amin.

I am busy packing my things when the doorbell rang. Tinignan ko kung sino iyon, wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Napagbuksan ko ng pinto si Raffy na may dalang backpack.

"What are you doing here? And where are you going?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Linuwagan ko ang pinto at pinapasok ito.

"Uuwi. Sabay na tayo." Sagot nito sabay baba ng bag.

"Huh? Hindi ba umuwi ka na last week? Uuwi ka ulit this week? Hindi ka ba hahanapin sa trabahho mo?"

Sunod sunod na tanong ko dito. Isa itong chef sa isang restaurant dito sa Ilocos, ang Hardin De La Fuente. Isa itong prominenteng restaurant at kilala sa buong Pilipinas. Balita ko ay may branch na rin ito sa ibang bansa. Laking tuwa ng Governor ng Ilocos ng malamang magpapatayo ng branch dito sa aming maliit na probinsya ang nasabing restaurant.

Maliban sa pagiging chef ay sumasideline din itong photographer. Minsan ay siya ang kinukuha ni P-Ann sa mga events na hinahawakan nito. Magaling kasi itong kumuha ng mga litrato.

"Hmm, yes umuwi na ako last week but I am going home again. Wala namang problema sa resto. May tatlong chef ang nandoon ngayon plus, hindi peak season kaya okay lang na magbakasyon ako." Sagot nito sa akin.

"Oh. Okay."

Kibit balikat kong sagot dito. Tinapos ko na ang pageempake. Sabay na kaming lumabas. Saktong nasa tapat na rin yung van na nirentahan ko pauwi. Hindi naman lugi yung van kasi may pabalik rin namang pasahero sa Ilocos Norte.

"Wow, may van ka na? Big time ka na! Nakabili na ng sasakyan!" Biro nito sa akin.

"Hindi akin iyan. Nirentahan ko lang iyan. Tara na nga! Para mabilis tayong makarating sa atin."

Malayo ang magiging biyahe namin. Kung normal na bus o van na pampasahero ang sasakyan ay aabot ng apat hanggang limang oras ang biyahe dahil sa mga stop over na gagawin sa mga bayan na madadaanan para maghintay ng iba pang pasahero. Kung may sarili kang sasakyan dalawa o tatlong oras lang ang magiging biyahe. Kung walang masyadong sasakyan at hindi matraffic, isa't kalahating oras lang ang aabutin.

Sumakay na kami sa van. Umupo ako sa may bintana. I am wearing a white blouse na pinatungan ko ng denim jacket.

 I am wearing a white blouse na pinatungan ko ng denim jacket

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
OGD 3: Like We Used To Where stories live. Discover now