CHAPTER 8: Concert

3 0 0
                                    

"Are you okay?"

Nilingon ko si OJ na ngayon ay nakatitig sa akin.

"Yes, I am. Excited lang ako."

Kinakabahan talaga ako. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Gaya ng sabi nito ay siya ang sasama sa akin sa concert. Natutuwa rin naman ako dahil sa pinapakita nitong effort sa akin lalo na noong nagdaang buwan. Bumawi talaga ito sa akin.

Nagpasya kaming lumuwas ng Maynila tatlong araw bago ang concert. Mas mabuti ng nandito ba kami ng maaga. Dahil magiging hassle kapag isang araw bago pa kami pumunta dito. Kailangan namin ng pahinga.

Nasa hotel pa lang kami. Mamaya pa ay pupunta na kami sa stadium. Kailangan ay maaga kaming nandoon dahil maraming tao at mahaba ang pila. Ito ang unang pagkakataon na umalis ako ng hindi ko kasama si Raffy. Huli naming pag-uusap ay noong bagong taon at hindi na iyon masundan. Mukhang naging busy rin naman ito dahil balik trabaho na kaming dalawa.

Nagpaalam ako kay OJ at sinabing mag-ayos na para maaga kaming makaalis. Hiwalay ang hotel room na kinuha namin. Magkikita na lamang kami sa lobby mamaya. I am wearing a black sando na pinatungan ko din ng black jacket, black pencil cut skirt na leather na nilagyan ko ng belt and a boots. Hinyaan ko ring nakalugay ang aking buhok. I'm good to go. Nag final retouch na lang ako at bumaba na ng lobby. I received a message from OJ saying that he is already in the lobby.

 I received a message from OJ saying that he is already in the lobby

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad kong nakita si Oj. Nakatalikod ito. Nakablack din ito.

"OJ" Tawag pansin ko sa kanya. Lumingon naman ito at napanganga ng makita ako. "Oh, nakanganga ka diyan. Baka pasukin ng langaw iyan." Biro ko dito.

"You... You look gorgeous." Puri nito sa akin.

"Thank you. Ikaw din. Mukha kang kpop sa outfit mo. Come, let's take a photo."

Kinuha nito ang phone ko at ito na ang humawak dito. Nakailang shots din kami. I even posted a photo of us on Instagram. Nang masigurong okay na kami ay lumarga na kami patungong stadium. I even sent a message to Raffy. Baka sakaling magreply ito. Pero nakarating na kami at naka pwesto na sa loob ay wala pa rin itong reply sa akin. Kibit balikat na binalik ko sa loob ng bag ang cellphone ko. Baka busy pa siya kaya hindi pa makapag reply.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang concert. As usual ay sa VIP standing kami naka pwesto.

Biglang namatay ang mga ilaw sa loob ng stadium. Nagsigawan na rin ang mga tao at kasbaay noon ay inilawan nila ang mga hawak nilang lightstick. Mamaya ko na iilawan iyong akin. Nagulat ako ng may humawak sa akin mula sa likod.

"Hey, relax. Ako ito."

Nakahinga ako ng maluwang ng mapagtantong si OJ iyon. Ngunit hindi ako komportable na hawak niya ako, masyado itong malapit ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanya.

OGD 3: Like We Used To Where stories live. Discover now