"Sigurado ka na ba sa kanya?"
Napatingin ako kay Raffy, naghihiwa ito ng mga kakailanganin para sa lulutuin nitong sinigang. Nandito kami sa unit niya ngayon.
"Yup. I think he's a nice guy."
Tukoy ko kay OJ. Ilang linggo na rin kaming lumalabas. Minsan nga ay sinusundo niya ako sa trabaho. Buti na lang wala na 'yung mga tsismosa doon. Baka sabihin nila na ginayuma ko ito o kinulam.
"Is he courting you?" Seryosong tanong nito. Napakunot noo ako dahil sa paraan ng pagtatanong nito.
"Hmm. Nope. I don't know." Kibit balikat na sagot ko dito. "Wala naman siyang sinasabi. Ayoko namang mag-assume. Baka sabihin niya ang feelingera ako. Bakit mo natanong? Nagseselos ka ba?" Biro ko dito. Natigil ito saglit sa paghihiwa.
"I am not jealous. Ayoko lang na masaktan ka." Ako naman ang hindi nakaimik sa sinabi nito. Pinagpatuloy na nito ang paghihiwa.
Totoo naman na hindi nanliligaw si OJ. Wala naman talaga kasi itong sinasabi. Oo at lumalabas kami para manood ng sine at kumain sa labas. Pero wala naman itong binabanggit tungkol sa panliligaw. Minsan hindi ko maiwasang isipin kung seryoso ba siya talaga sa akin. Dahil napansin ko na napapalingon pa rin ito sa ibang mga babae kapag magkasama kami. Lalo na kapag mapuputi ang mga ito. Alam kong natural na reaksyon na iyon ng ilang mga lalake, ang mapalingon sa iba lalo na kapag makinis at maganda. Hindi naman sa insecure ako pero ako kasi ang kasama niya tapos sa iba pa siya nakatingin? At saka, hindi ko pa nararamdaman yung security na pakiramdam kapag kasama ko si siya. Hindi gaya noong kami ni Raffy. I feel safe whenever I'm with him.
"Kung masasaktan man ako, eh di go, keri lang. Kasama iyon sa paglaki. Pero kasi Raffy, kikilalanin ko muna siya. Siguro nga attracted siya sa akin. May crush ako sa kanya, but it doesn't mean na okay na maging magkasintahan na kami." Nakangusong kong sagot dito.
"Just make sure na hindi ka niya sasaktan o gagaguhin." Nakakapagtaka talaga itong mga sinasabi nito. Napakaseryoso din.
"Hindi nga kita sinaktan noon e. Ni padapuan ng lamok hindi ko hinayaan."
Bubulong bulong ito. Hindi ko naintindihan iyong huling sinabi nito.
"Huh? May sinasabi ka?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko na narinig ang huli nitong sinabi.
"Ang sabi ko, pakikuha iyong karne sa may ref. Para magisa na." Iiling iling pa ito. May problema ba ito? "Baka mamaya ikaw ang makain ko." May sinabi na naman ito na hindi ko marinig.
"Huh? Ano? Ayusin mo nga at lakasan ang boses mo hindi kita marinig." Inis na turan ko sa kanya.
"Ang sabi ko pakibilisan para makaluto na ako. Nagugutom na ako."
"Oo na!" Pinanlakihan ko ito ng nga mata bago kunin ang sinasabi nito.
After lunch, we watched Korean dramas all day. The last series that we watched is Dream High. We didn't notice that it is already 10 in the evening. Hindi na niya ako hinayaang umuwi sa apartment ko. May extra mattress naman ito. Pinahiram na rin niya ako ng damit at boxer. Iisa lang naman ang kwarto nito kaya doon kaming parehas. Wala namang kaso, hindi naman kami magkatabi. Nasa kama siya, ako naman ay sa ibaba.
"Raffy... Gising ka pa ba?" Tawag ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa kisame.
"Hmm?" Gising pa nga siya.
"Wala ka bang balak magkagirlfriend?" I asked him out of the blue.
"Why?" Hindi ko alam kung anong reaksyon nito.
YOU ARE READING
OGD 3: Like We Used To
Ficción General"And if crying is the only way to survive your pain then cry. Cry and survive." - @thedeepestmessages