CHAPTER 4: Oppa

12 1 0
                                    

We were on a private resort on that Saturday morning. May mangilan ngilan ding mga tao ang nandoon. Nakabalik na ako dito sa Ilocos and my friends decided to go on an outing. Sa pagbabalik ko ay hindi ko inaasahan ang mga naganap. Lalo pa hindi ko masyadong chinecheck ang phone ko kapag umuuwi ako sa amin. Maliban sa rest day ko at ayaw kong magpaistorbo, ay mahina ang signal doon.

Kasama namin ang pamilya ni P-Ann at ang espesyal na tao sa buhay ni Janesa. Nalaman ko lang iyon pagkauwi ko galing sa amin. Nagpatawag sina Cee ng meeting at doon ko nalaman ang lahat. Those revelations were shocking and sad. But we understand Janesa. We didn't know how she felt that time. We didn't know all her struggles, so who are we to judge her? One more thing, she's our friend. What she needs right now is a lot of understanding and support. She doesn't need extra judgement, especially from us. Buong mundo na nga hinuhusgahan siya, dadagdag pa ba kami? Of course not! She's a model at parang piyesta ang ginawa sa kanya. Sa kabila ng issue na kinasasangkutan nito ngayon, dapat ay hindi na ito muna naglalalabas. Pero kailangan daw nito ng magpagbabalingan ng atensyon. Baka mabaliw na daw ito.

Nakaupo ako sa aming cottage. Ang iba ko pang mga kasama ay ineenjoy ang pagligo.

"Hi, Nangnang Kath. Can I ask you a question?" Napalingon ako kay PJ na nakangiti sa akin.

"Yes, sweetie? Ano yun?" Nakangiting tanong ko dito. Naka swimming trunks lang ito.

"Do you know how to swim, Nang nang? Because you are the only one here in our cottage. My other nanangs and nongnongs are in the swimming pool." Napangiti ako. Dahil kahit malaki na ito ay tinatawag niya pa rin kaming mga ninang at ninong niya ng 'nang nang' at 'nong nong'.

"Marunong naman ako, kaso hindi ko kasi kaya dun sa malalim." Sagot ko dito.

"Ganun po ba? Ako kasi marunong akong lumangoy Nangnang. May swimming pool na binili sina mama at papa, doon kami nag swiswim ni Jayme." Pagmamalaki nito. Napangiti naman ako. Ang gwapo gwapo talaga ng batang 'to.

"It's a good thing that you know how to swim." Pinisil ko ang ilong nito. Nalukot ang mukha nito dahil sa ginawa ko. Humagikgik naman ako. "Aaw. You're too cute, PJ."

"Nang! Hindi na ako baby! Si Jayme po ang baby kaya siya po ang cute." Nakanguso nitong turan sa akin.

"Nah, you're our first baby so kahit na lumaki ka pa at nagkaedad na, baby ka pa rin namin." Hindi naman nito kinontra ang aking sinabi. Nakanguso lang ito.

"Sige po Nang! Magsuswim na po ako ako!" Paalam nito sa akin. Tumakbo ito papunta sa may kids pool.

"PJ! Huwag kang tumakbo baka madulas ka!" Ngunit hindi na ata nito ako narinig dahil patuloy lang ito sa pagtakbo.

"Ano na naman ang sinabi ng inaanak mong yun Kath?" Nalingunan niya si P-Ann na natatawa at hawak hawak si Jayme.

"Tinanong ako kung marunong daw ba akong lumangoy. Nasaan si Jay-R?" Lumapit ako dito para panggigilan si Jayme. "You too! Ang cute cute mo!" Halos maluha na si Jayme dahil pisil pisil ko ang magkabilang pisngi nito.

"Nasa sa CR, nagpapalit. Mag-asawa ka na at gumawa ka na kasi ng ganito." Banat ni P-Ann sa kanya.

"Bigyan mo ako at magpapakasal na kami ngayon din." Biro ko naman dito. Ito naman ay natawa. Nagpaalam ito para palitan si Jayme. Puno na ata ang diaper nito.

Nagpasya akong puntahan ang iba naming mga kaibigan sa may pool. Nakikita ko na sila, kinakawayan nila ako. Kakaway na rin sana ako pabalik nang biglang may bumangga sa akin. Kasabay ng sigawan ng aking mga kaibigan ay nahulog ako sa pool. I tried to reach for the floor but I couldn't. Shit! Malalim sa parteng ito! Nagsimula na akong magpanic. Nararamdaman kong unti unti na rin akong lumulubog kaya pinilit kong makarating kahit man lang sa gilid ng pool pero hindi effective. I am gasping for air. Nakakainom na rin ako ng tubig. Yuck! What if may umihi dito?! I was about to go down but strong arms pulled me up. Hindi ko maaninag kung sino iyon dahil busy ako sa pag-ubo. Agad niya akong iniakyat sa gilid ng pool.

OGD 3: Like We Used To Where stories live. Discover now