Ilang linggo na rin mula nang mangyari iyon sa bahay nina OJ. Nandito pa rin iyong galit at sakit na nararamdaman ko. Paano nagagawa ng mga tao na manloko ng kapwa nila? Kahit kailan ay hindi ko iyon naramdaman kay Raffy. Kahit kailan ay hindi niya ako binastos. Ilang araw din akong hindi lumabas dahil sa sama ng loob na aking nararamdaman. Ilang beses din akong sinubukang kausapin ni OJ pero hindi ko na ito pinagbigyan pa. Baka madala na naman ako sa mabulaklak niyang mga salita. Ilang beses ko na rin siyang binigyan ng chance. Ayoko na. Wala akong sinabihan sa mga kabigan ko. Nahihiya ako. Maging kay Raffy ay hindi ko nabanggit ito. Ang tagal ko na ring hindi nakakausap si Raffy. Bigla ko tuloy siyang namiss. Kumusta na kaya ito? Madalang na din itong magtext sa akin.
I can feel her breath as she's sleepin' next to me
Sharing pillows and cold feet
She can feel my heart, fell asleep to its beat
Under blankets and warm sheetsNapaigtad ako dahil sa lakas ng tugtog ng kapitbahay namin. Tila nage-emote ang sino mang nagpapatugtog. Inaayos ko ang mga gamit ko sa aking apartment. Inaalis ko na rin ang ibang mga gamit dito na hindi ko naman kailangan na.
If only I could be in that bed again
If only it were me instead of himNapansin ko ang isang maliit na kahon na nababalot ng apple green. May ribbon din itong malaki. May kung anong pwersa ang nagtulak sa akin para buksan iyon. Nakita ko ang mga lumang larawan namin ni Raffy. Mga larawan kung saan saan kami namamasyal.
Meron din iyong bigay niyang mga maliliit na teddy bear noong kami pa. Movie tickets at maging balat ng candy na una niyang binigay sa akin. Napangiti ako dahil sa mga alaalang dulot ng mga iyon. Ngunit napawi din ang ngiting iyon dahil sa kantang aking naririnig.
Does he watch your favorite movies?
Does he hold you when you cry?
Does he let you tell him all your favorite parts when you've seen it a million times?
Does he sing to all your music while you dance to "Purple Rain"?
Does he do all these things, like I used to?Naalala ko lahat ng mga ginagawa namin. Mga ginawa namin na hindi ko magawa noong si OJ ang kasama ko. Si Raffy kahit na hindi ito mahilig sa mga kpop dramas o music ay nakikinood siya sa akin at nakikinig sa mga music nila. Naalala ko noong minsang umiyak ako dahil sa pagkamatay ng iniidolo ko, agad akong pinuntahan ni Raffy. Niyakap at pinatahan. Pilit niya akong pinasasaya noon. Sumasayaw ito at kumakanta kahit na hindi nito alam bigkasin ang mga lyrics ng kanta ng EXO. Mga bagay na hindi ko magawa noon kay OJ dahil ayaw niya ng mga iyon.
Does he watch your favorite movies?
Does he hold you when you cry?
Does he let you tell him all your favorite parts when you've seen it a million times?
Does he sing to all your music while you dance to "Purple Rain"?
Does he do all these things, like I used to?Naalala ko noong minsang naabutan kami ng ulan ni Raffy nung pumunta kami sa taniman at kamuntikan na akong madulas, nandoon si Raffy at sinalo ako. Si Raffy na walang ibang ginawa kundi intindihin ako at pagbigyan sa lahat ng gusto ko. Teka. Bakit? Bakit si Raffy ang naalala ko sa kantang ito?
I know love
(I'm a sucker for that feeling)
Happens all the time, love
(I always end up feeling cheated)
You're on my mind, love
(Oh darling, I know I'm not needed)
It happens all the time, love, yeahBigla ko ding naalala iyong sinabi sa akin ni mama noong bagong taon. “Paano ko nga ba nalaman na ang papa mo na talaga ang gusto ko? Hmm. Komportable ako sa kanya. Hindi ko kailangan maglihim o magpanggap..." When I am with Raffy, I can say what I want. I can also curse in front of him. Hindi ito magagalit. Kay OJ, ang dami nitong ayaw. Kaya minsan ay laging maingat ako sa mga sinasabi ko kapag kasama ko siya. Dahil doon kami madalas na hindi nagkakaunawaan. Para bang gusto niyang maging sunod sunuran ako sa kanya. Wala akong freedom kumbaga. Sana doon pa lang ay nakaramdaman na ako na may mali.
Will he love you like I loved you?
Will he tell you everyday?
Will he make you feel like you're invincible with every word he'll say?
Can you promise me if this one's right?
Don't throw it all away
Can you do all these things?
Will you do all these things
Like we used to?
Oh, like we used toHindi ko na namalayan. Umiiyak na pala ako. Si Raffy. Si Raffy na kaibigan ko. Si Raffy na iniwasan ko para sa maling tao. Si Raffy na laging nasa tabi ko.
Ngayon ay mas naintindihan ko na kung anong ibig sabihin ni mama noon. Kung gusto mo ang isang tao, ay hindi mo kailangang magpanggap para magustuhan o mahalin ka rin nila. Dapat ay ipakita mo kung sino ka bang talaga. Kung tatanggapin ka nila, that's well and good. Pero kung babaguhin ka nila para sa sarili nila, hindi na iyon pagmamahal. Teka? Ibig sabihin hanggang ngayon ay gusto ko pa rin si Raffy? Imposible! Hindi maaari! Nasanay lang ako sa tabi nito dahil matagal na rin kaming magkaibigan at madami na rin kaming pinagsamahan.
In denial!
Umiling ako para alisin ang ideyang iyon sa aking isipan. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Raffy. Sana naman kahit ngayon lang ay sagutin na nito ang tawag ko. Abot abot ang aking kaba. Ngunit nakahinga ako ng maluwag ng sagutin na nito ang tawag ko.
"Raffy!" Excited akong marining ang boses nito.
"Hello? Who's this?"
Napakunot noo ako dahil iba ang boses ng sumagot. Boses babae. May kung anong kumirot sa puso ko ng mapagtantong may ibang babaeng kasama si Raffy at ito pa ang sumagot sa tawag ko. Sino kaya ito?
"Yes. This is Raffy's phone but he's not here. May ginagawa siya. May kailangan ka ba?"
May ginagawa pero bakit hawak nito ang cellphone ng kaibigan? Boses pa lang ng babae ay naiimagine ko na ang ganda nito. Hindi na ako sumagot. Agad kong pinatay ang tawag. Hindi ako mapakali. Kahit kailan ay hindi basta basta pinapahawak ni Raffy ang cellphone nito sa kung sino man. Unless if that person is special to him. May girlfriend na ito? Siya kaya ang nakasagot sa tawag ko? Bakit wala itong nababanggit sa akin na kahit ano tungkol dito? Hindi ba registered ang pangalan ko sa phone ni Raffy at kailangan pang tanungin nito kung sino ako?
Ang dami dami kong tanong. Gusto kong makausap si Raffy. Muli ay parang kumurot sa aking puso nang maalala na may ibang babae itong nakakasama. Hindi ko nagugustuhan ang pagkirot ng puso ko.
YOU ARE READING
OGD 3: Like We Used To
General Fiction"And if crying is the only way to survive your pain then cry. Cry and survive." - @thedeepestmessages