Chapter 2: Tricks
Flynn's PoV (Arianna)
I sipped my coffee as I looked outside the hospital's lobby. Naka-break ako ngayon pero 'di rin masyado matagal dahil marami pa kaming pasyente na mino-monitor.
Usually, 'pag naka break ako, dito lang ako sa lobby nakatambay. 'Pag may dumating na pasyente na dadalhin sa department namin, tumutulong na rin akong dalhin sila sa E.R. habang mino-monitor ang vitals nila, while on the go.
Pero, ngayon, halos lahat ng pasyente namin ay nag-rerecover na.
"Hey, Flynn! Pinatatawag daw tayo ni Doc Clad, may sasabihin daw siya sa 'ting importante. Sabay na tayo pumunta."
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita ko ang tumatakbong pigura niya na papalapit sa akin. Binigyan ko siya ng isang tango, at sinalubong siya.
Gerome Domingo. Another one of my besties.
Nakilala ko siya dahil kasabay ko siyang nag-med school. At first, maya-maya lang siyang nangungulit hanggang sa nasanay na ako and we became friends.
After finishing med school nagkahiwalay kaming dalawa kasi nauna siyang makapunta dito sa Manila. I started in Nueva Ecija kasi nandoon yung family ko.
When I got re-assigned to this hospital, nagulat pa nga ako kasi nakita ko siya. But I was glad to have someone who is familiar to me in this big city.
Tumango na lang ako sa kaniya at saka nag-lakad na rin para salubungin siya.
"Wala ba silang nabanggit kung ano sasabihin ni Doc?" tanong ko kay Rome. Madalang lang kasing mag-patawag si Doc Clad. Madalas 'pag may sinasabi siya sa amin, tungkol lang ulit sa surgeries na parating.
"Wala, eh. Sabi lang nung ilang nurses pinapatawag nga lang daw tayo."
Tinanguan ko nalang si Rome tsaka ipinasok ang isang kamay ko sa bulsa ng white coat ko at saka nag-elevator para umakyat sa office ni Doc Clad.
"Baka surgery ulit. 'Yon lang naman ang maiuutos niya sa atin, eh," wika ko na lang habang nakatingin sa pintuan ng elevator.
"Siguro."
Habang hinihintay bumukas ang doors ng elevator, naalala ko na naman ang kalokohang naisip ko kagabi. Napangisi ako habang iniisip kung paano ko magagawa 'yon.
"Ngising aso ka na naman diyan, Flynn. Hay nako, nung huling nakita kitang ganiyan ang hitsura, napahiya na yung nanliligaw sa'yong top student sa med school. Kalokohan na naman 'yan, hano?"
Napatingin ako kay Rome dahil sa sinabi niya. Natawa naman ako dahil naalala ko ulit yung mukha nung manliligaw ko dati dahil sa kalokohan ko.
May kakilala kasi ako noong bakla na sobrang harot. As in, sobra talaga.
Sabi ko sa kaniya, may kakilala akong guwapo na pwede niyang landiin, tapos ang gaga, tuwang-tuwa.
Nung makita niya yung guy, tawa ako ng tawa noon kasi inakap niya yung guy tapos tinawag na "Papi!". Mangiyak-ngiyak pa rin talaga ako pag naaalala ko 'yon.
Okay, inaamin ko na medyo may pagka-siraulo ang takbo ng utak ko. I really don't deny that. Pero minsan na lang naman ako mag-loko, eh. Promise.
"Ikaw Flynn, ah. Jusko, awang-awa ako noon sa lalaki. 'Pag ako ginanon mo, ah ewan ko nalang talaga sayo. Ano na naman bang kalokohan naisip mo?" kunot-noong tanong sa akin ni Rome.
Ngumisi ako sa kanya at sinabi ang nangyari sa akin. Sinabi ko na rin yung 'kalokohan' na sinasabi niya. Ang loko kala mong nakakita ng multo sa gulat.
BINABASA MO ANG
Kiss the Wind
Romance"Are you ready for the consequence?" Arianna Flair Velasquez or popularly known as Flynn always believed in the power of love. Having her first ever heartbreak, she thought maybe love was a little under her expectations. With this at hand, Flynn pus...