Chapter 29

674 29 0
                                    

Chapter 29: Holding On

The management agreed to our requests a day after we sent it.

They said it’s really bad that they had to lose a good resident but if my case is really not that good, then they can’t help it.

In exchange for this request, they said I have to extend my residency for half a year. I just agreed to it because I wouldn’t want to stop my job and regretting it.

So, when I finished my work for the day, sa halip na bumalik ako sa office para doon mag-pahinga, I pack stuff up, at saka ako uuwi sa bahay.

Anyway, I’m currently at home dahil kakatapos lang ng shift ko ngayong araw. Things have started to rumble up between me and Duke and everyday it’s just making it worse for me.

At dahil ngayon pa lang nag-karoon ng effect yung usapan namin ng management, this is my first night staying here in the house kahit hindi ko pa day off.

I couldn’t tell Duke about it dahil hindi niya naman ako pinapansin. I’ve tried calling him, but it seems like he has already blocked my number. When I tried to text him, the message wouldn’t get through.

I don’t know what kind of feature of the phone that is, but it’s totally making us more distant to each other.

“Hija, ba’t napaaga ka yata ng uwi?”

Lumapit sa akin si Manang Tere habang pinupunas ang kaniyang kamay sa kaniyang daster. Mukhang kagagaling lang niya sa kusina para mag-luto. Sabagay, gabing-gabi na rin naman na.

“Ah, opo manang. May mga kailangan po kasi akong asikasuhin kaya po araw-araw na rin po akong makakauwi.”

“Ay ganon ba hija?”

Tumango-tango naman ako at nakitang napakamot si Manang sa kaniyang ulo. Na para bang ‘di alam ang kaniyang gagawin.

“Mabuti naman ‘yon. Kaso ang nailuto ko lang ay para sa amin lang na naka-tao rito sa bahay. Madaling araw naman kasi madalas umuwi si ser Duke.”

“Ah, okay lang po manang, mag-luluto na lang po ako. Bale, araw-araw po bang umuuwi si Duke?”

“Oo, hija. Kaso nga lang, madalas hindi na niya kami naabutang gising. Ewan ko nga rin ba sa batang ‘yon. Sinubsob na ang sarili sa trabaho.”

Binigyan ko na lamang si Manang ng isang tango.

Turns out, araw-araw naman pa lang umuuwi si Duke. The only reason kaya akala ko sabay lang kaming nakakauwi ay dahil minsan lang naman sa isang linggo akong nandito sa bahay.

But I bet he’s like the usual, he goes home late and leaves the house first thing in the morning.

“Alam mo hija, nang mag-sama kayo sa iisang kuwarto, napadalas na ang uwi niya ng maaga. Ewan ko lang kung bakit bumalik na naman siya sa dati niyang nakagawiang oras ng pag-uwi. Nag-away ba kayo?”

Napaiwas ako ng tingin kay Manang dahil sa sinabi niya. Mukhang nag-karoon nga kami ng progress noon ni Duke. But now, we’re torn apart. I get why he’s getting his old ways back.

“Baka po nag-karoon lang ng problema sa trabaho. Hindi naman po kasi nag-sasabi si Duke, eh, alam niyo naman po ‘yon. Masyadong tahimik sa buhay. ‘Wag niyo na pong masyadong isipin ‘yon.”

‘Yon na lamang ang sinabi ko kay Manang para hindi siya mag-alala sa kaniyang alaga. Tumango naman si Manang dahil sa sinabi ko kaya naman medyo nabunutan ako ng tinik.

“Sige po, manang. Mag-papahinga na lang po muna pala ako. Kain po kayo mabuti.”

“Ay, sigurado ka bang hindi ka na kakain kahit kaunti man lang?”

Kiss the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon