Chapter 33

706 30 0
                                    

Chapter 33: Sun Sets

I bit my lip and smiled tightly as I sighed when I remembered what we talked about.

Kung hindi lang ako namomroblema that time, baka dinamayan ko pa si Clad sa problema niya. Knowing his problem with his family, hindi madali ang pinag-dadaanan niya ngayon.

I just hope he'll be able to cope up with his connection to the hospital. 'Yon kasi talaga ang ginusto ni Clad, but he has to accept what they have given to him now.

But I know he'll get through it. He's smart and strong-willed. I'm sure he'll get over it.

Isa pa, I can't afford to think about him now. Hanggang ngayon ay nag-tatampo pa rin sa akin sila Mama dahil nang sabihin ko sa kanilang aalis ako ay huli na.

Kahapon lang kasi ako nag-paalam sa kanila through a phonecall. Akala ni Mama nung una, bakasyon lang ang gagawin ko. Pero nang sabihin kong baka mag-tagal na ako ng ilang taon sa States, masama ang loob niya through-out our whole conversation.

Nang sabihin ko kasing naka-indefinite leave ako at baka sa States ko na lang ituloy ang trabaho ko, narinig ko na ang pag-hehesitate ni Mama sa desisyon ko.

She just agreed to my decision in doing this, pero alam ko na hindi pa rin tanggap ni Mama na aalis ako ng bansa.

In the end, hindi ko pa rin kinayang sabihin sa kaniya ang naging sitwasyon namin ni Duke. I saw how they became happy knowing na ikinasal na ako sa isang lalaking mag-mamahal sa akin. Or so they thought.

I sighed and just looked at the crowd. I mean, ako rin naman ay nabigla sa gagawin namin na 'to. But I just thought that this was for the best, kaya agad na rin akong pumayag.

Dumating na ang point na kinakatakot ko. I'm afraid to lose the trust of one loving mother who only wanted the best for her son. But what can I do? We're bound to drift apart.

I had Mom Louisa's trust when Duke and I decided to get married. I even promised Mom Louisa that I'll take care of Duke. But in the end, mare-realize mo na lang talaga na promises are meant to be broken.

Maybe I'll just talk to Mama 'pag nakarating na ako sa States. As for Mom Louisa, I hope Duke can explain everything to her.

A few minutes later, nakita ko namang lumakad na papalapit sa akin si Rome bitbit ang binili niyang mga tubig. He smiled at me and waved. I did the same and stood up.

"Nag-tagal ka yata? Ano, nakahanap ka na ng pwedeng ligawan?"

"Sira. Marami kasing bumibili. At saka loyal ako, hano."

"Ulol. Loyal pero balak na mag-hanap ng blondina sa States. Sino ginago mo?"

Nag-katinginan naman kaming dalawa ni Rome dahil sa pinag-usapan namin. Maya-maya pa ay bumunghalit na kami ng tawa dahil kung anu-anong kalokohan na naman ang lumalabas sa bibig namin.

"Pero, hoy, wala akong sinabing mag-hahanap ako ng blondina, ah?"

"Kahapon kaya. Siraulo."

"Paano mo nasabi?"

"Ay, ewan ko sayo. Bahala ka diyan."

Muli akong tumawa dahil sa mga 'yon. It's been a long time since I had a good laugh. Siguro kahit masakit sa akin ang pag-alis ko, may kaunting ginhawa naman dahil hindi na ako takot makasama ang kahit sino.

Nang humupa ang tawa ko ay napansin kong nakatitig lang sa akin si Rome habang nakangiti. Ang creepy ni uto. Parang siraulo.

"Makatingin ka naman diyan. May binabalak ka hano?"

Kiss the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon