Chapter 12: Home
Third Person's PoV
"Hey! Arianna, can you hear me?"
Paulit-ulit na tinapik ni Duke ang pisngi ni Flynn but she still remained unconscious.
Nataranta naman si Manang Tere kaya siya kumuha ng tubig at winisik wisik ito sa mukha ni Flynn pero hindi talaga siya gumigising.
"Jusimyo, hija. Sabi na kasing ako na ang magluluto, eh," nag-aalalang sabi ni Manang Tere na bahagyang nakaramdam ng guilt dahil hinayaan niya pa si Flynn na tumulong sa kaniya sa pagluluto ng makakain nito.
Agad namang binuhat ni Duke si Flynn at patakbong dinala sa kotse para madala siya sa hospital. Nagulat naman si Manong Isko nang makita ang walang malay na si Flynn na dala dala ni Duke sa kaniyang mga braso.
Inilagay naman ni Duke si Flynn sa backseat at bago sumakay ay nilingon si Manang Tere na nag-aalalang nakatingin sa kanila mula sa pinto.
"Don't worry, Manang. She'll be fine."
Nag-aalala man si Manang Tere ay hindi na rin niyang napigilang tumango dahil sa sinabi ng amo. Kinalma niya ang kaniyang sarili at tumingin muli sa mag-asawa.
Inaya na ni Duke si Manong Isko sa loob ng kotse. Pagkapasok niya sa backseat ay ipinatong niya ang ulo ni Flynn sa kaniyang mga hita para makahiga ito ng maayos.
"Manong, take us to Villaruel General Hospital," kalmadong utos ni Duke kay Manong Isko. The latter just nodded and started to drive the car to the hospital.
Flynn's PoV
Unti-unti kong dinilat ang mga talukap ko at agad na bumungad sa akin ang puting kisame. Dahan-dahan kong inangat ang katawan ko para makaupo at makita ang paligid.
Base sa puting surroundings at ang setting ng kinaroroonan ko, alam ko na kaagad kung nasaan ako dahil halos araw-araw nandito ako. I'm at the hospital.
I felt a bit of pain on my hand at napansin ko naman ang IV drip na nakalagay sa akin. Napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha dahil mukhang nahimatay ako dahil sa pagod.
Abuso kasi sa pagpapa-aassist si Doc Clad, eh. Yan tuloy.
"Oh, gising ka na?"
Napalingon naman ako sa nagsalita sa tabi ko. It was Rome.
"Paano mo nalamang nandito ako?"
"Nakita ko sina Doc Clad na tumatakbo kasama 'yung si Duke na bitbit ka. At saka, doctor kaya ako dito. Malamang, sooner or later may nakapag-sabi na rin sa akin na nandito ka, kung 'di ko man kayo nakita."
Nag-inat inat muna siya at saka nagkusot ng mata bago ako tingnan ulit. Sumama na lang bigla ang tingin niya sa akin at saka ako binatukan.
"Aray ko naman!"
I glared at him because of that. Aba, sino ba namang doctor ang babatukan ang pasyente sa tabi niya?
Si Rome lang. Pramis.
"Just in case hindi mo naaalala o nakikita, kuyang Rome, pasyente po ako ngayon."
"Kasalanan mo 'yan. Paano ba naman kasi binugbog mo ang sarili mo sa trabaho. Isa pa, siraulo ka ba talaga? Kahit sino hihimatayin kapag mahigit isang araw na silang dire-diretsong nagta-trabaho!"
Inirapan ko na lang siya dahil sa mga pinag-sasasabi niya. Geez, para siya na yung tatay ko. Makasermon, wagas.
"Pasalamat ka, nasapo ka nung Duke na 'yon nung himatayin ka tapos binitbit ka dito. 'Pag labas ng lab tests mo, siguradong okay ka na at pwede nang umuwi para makapag-pahinga."
BINABASA MO ANG
Kiss the Wind
Romance"Are you ready for the consequence?" Arianna Flair Velasquez or popularly known as Flynn always believed in the power of love. Having her first ever heartbreak, she thought maybe love was a little under her expectations. With this at hand, Flynn pus...