Chapter 11: Stress and Conflicts
Flynn's PoV
Ilang araw na rin ang nakalipas nang bumalik ako sa pagtatrabaho dito sa hospital. At syempre, yung mokong, hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi.
Mag-iisang linggo na mula nang ikasal kami ni Duke. Yung buong buwan mismo ay nakakahilo na dahil sa kung ano-anong ganap na nangyari sa buhay ko.
Tulad nang napag-usapan namin ni Duke, nakuha na ni Mama ang 30 million na ipangbabayad doon sa ginawa ni Papa. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa loob-loob ko ay bahagya akong kinabahan na baka hindi pa rin iyon naibibigay ni Duke.
Malay mo kahit mayaman si Duke, scam siya.
Well, hindi naman siya ganoon dahil tumawag sa akin kanina si Mama, thanking me for the investment I brought to them. Yes people, si Duke po ang nag-invest.
I sighed. Now, enough of that.
Nag-patuloy na ako sa pag-rounds ko dito sa hospital. Sa totoo lang, kasabay ko dapat si Rome mag-rounds ngayon, kasi si uto, nagtatampo yata sa akin.
Magbuhat nang makabalik ako dito sa hospital, hindi niya ako pinapansin. As in. 'Pag tinawag ko siya, hindi siya lumilingon. 'Pag nasa opisina, dedma ang lola niyo.
In short, multo na po ako kay Rome.
Anyway, may pumasok na mga bagong pasyente na dala ng ambulance.
Tumakbo na ako roon at kinuha at saka kinuha ang vitals ng pasyente. Nag-patulong naman ako sa isang resident galing sa cardiothoracic surgery department sa pag CPR sa pasyente.
The patient was from a car accident, mabilis na nagda-drop ang BP niya. Sabi ng EMT mayroon daw siyang injury sa leg, at medyo basag daw ang buto niya sa dibdib at ang pelvic bone niya.
Pinatingnan ko na kaagad ang X-ray niya, and he did have crashed bones on the said parts, plus may injury pa siya sa spine.
Thing is, kailangan pa naming mag-run ng ilang mga tests para makita kung gaano kalala ang sitwasyon niya. Tumawag naman ako ng mga nurse para tawagin si Doc Clad dahil kailangan na ng pasyente ng immediate surgery.
Lumapit naman sa akin ang nanay ng pasyente na umiiyak. Napahawak siya sa mga braso ko at bahagyang napaupo.
"Doc, save my son. Please," the boy's mom said. Ramdam ko ang panginginig ng braso niya at ang kita ang mga kaba sa kaniyang mga mata.
"Your son is currently with some injuries. Medyo mahirap po ang kaso niya pero we'll do our very best po. Don't worry, ma'am. We'll save him," I assured her.
It calmed her down a bit nang marinig ang sinabi ko. Tumayo naman siya at saka hinawakan nang mahigpit ang mga kamay ko.
"Thank you, Doc. Salamat po talaga."
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya then I gave her a warm smile.
After a while lumabas na ang mga results. Nilapitan ako ng surgeon na humawak sa kaso nung bata.
"Kamusta po, any complications?"
"Well, actually, okay naman na siya. Don't worry too much. Nga pala, pinapatawag ka na ni Doc Clad. Mag-aassist ka raw."
Napabuntong-hininga naman ako sa narinig. It's good that he's out of danger now.
"Thank you, Doc."
"Once you stop the bleeding, we'll have the ortho back up immediately."
Tinapik niya ang balikat ko at saka ako muling bumuntong-hininga. Well, that was a close one.
Pumunta na ako sa opisina tsaka tinanggal ang coat ko. Tumakbo na rin kaagad ako sa O.R. para makapag-assist kay Doc Clad.
BINABASA MO ANG
Kiss the Wind
Romance"Are you ready for the consequence?" Arianna Flair Velasquez or popularly known as Flynn always believed in the power of love. Having her first ever heartbreak, she thought maybe love was a little under her expectations. With this at hand, Flynn pus...