Chapter 31: Clear Things Up
Third Person's PoV
Nagising si Duke nang maramdaman ang sakit ng kaniyang ulo. Para itong minamartilyo at habang tumatagal mas lalo lamang siyang nahihilo.
"Fuck. I drank too much."
He cursed. Things have stirred up the night before making him arrive at this state now. Sa sobrang inis niya sa hindi malamang dahilan, tumambay siya sa bar ng kaibigan niyang si Van at saka siya napasabak sa mahabang gabi ng pag-lalasing.
Unexpectedly, he had a long a long talk with one of his friends na nakapag-pagising sa kaniyang diwa at nakapag-pauwi sa kaniya sa bahay.
Yes, gising ang diwa niya. He knew everything that happened that night. Everything that happened to him and Flynn.
Hindi niya rin kinalimutan ang pag-tatanong sa asawa kung maari pa ba silang mag-simulang muli at ang pag-payag nito sa kaniya. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang tumango si Flynn sa kaniya.
Minasahe ni Duke ang kaniyang sintido para mawala ang sakit na nanunuot dito. Hindi niya na kasi alam kung gaano karami ang dumaan sa lalamunan niya dahil nga dire-diretso lamang siyang uminom noon.
Hindi niya na napansin kung paano nangyari ang lahat. He was just shocked when he saw a pile of glasses in front of him nang magising ang diwa niya.
"Shit, I should've controlled myself."
He just groaned at saka ibinalik muna ang sarili sa pag-kakahiga para mahimasmasan siya ng kaunti. Itinakip niya na lang sa kaniyang mata ang braso habang inaalala ang naging usapan nilang magkaibigan kagabi.
*Flashback
Agad na dumiretso si Duke sa bar ng kaibigang si Van dahil maagang natapos ang trabaho niya. Sa totoo lang, pwede naman siyang mag-stay doon sa kompanya, pero wala naman siyang gagawin.
Ayaw niya namang umuwi na kaagad dahil ayaw niyang sungitan na naman ang asawa niya. He really never intended to do so, pero sa loob loob niya ay nahiya siya kay Flynn dahil ilang beses niya itong sinigawan.
He admits that he was really mad at first. Pero saglit lang 'yon. He was willing to listen to her already, pero bigla namang nagka-roon ng problema sa kompanya niya kaya naibubunton niya ang inis sa asawa.
He never experienced saying sorry to anyone before. Ever. Kaya hindi niya rin alam kung paano niya lalapitan ang asawa at sasabihing hindi naman talaga siya nagagalit sa kaniya.
"Dude, napadpad ka rito?"
As soon as he sat in front of the bar counter, ito kaagad ang unang ibinungad sa kaniya ni Van na nasaktuhang bumisita sa bar.
"I badly need a drink. I don't want to go home yet."
Napahalakhak naman si Van dahil sa narinig sa kaniyang kaibigan. Kumuha na siya ng maiinom nito dahil mukha ngang kinakailangan niya nito.
"Bakit, may problema bang malaki sa kompanya niyo?"
"It's fine."
"Sa inyong mag-asawa?"
"That's it."
"Ay, nalintikan na."
Muling humalakhak si Van bago inabot ang alak ni Duke sa kaniya. Duke, on the other hand, sighed and took the glass. Mabilis naman itong ininom ni Duke kaya napatawa na lang muli si Van.
BINABASA MO ANG
Kiss the Wind
Romance"Are you ready for the consequence?" Arianna Flair Velasquez or popularly known as Flynn always believed in the power of love. Having her first ever heartbreak, she thought maybe love was a little under her expectations. With this at hand, Flynn pus...