Chapter 6: New Greetings
Flynn's PoV
Kanina ko pang gusto mag-muryot.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinapansin ang katabi ko. Matapos niya akong pagudin kahapon, siya na naman ang kasama ko ngayon?
Balak ko kasing pumasok sa hospital kanina, dahil sabi ko nga sa inyo, sa sobrang work-oriented ko, 'yun na lang ata ang alam kong gawin. Ang magtrabaho.
Well, I really love my job. 'Yung profession ko kasi ay isa sa mga mahirap na practices sa field ng isang doctor. And I'm really proud of it.
The joy that I get whenever I get to treat a patient is priceless. Self-satisfaction ko na siguro ang makitang success ang pag-papagaling ko sa mga nagiging pasyente ko, and I think there's nothing wrong about that.
Ang problema ay ang katabi ko. Sa halip na makakapunta ako sa trabaho, nabuwisit niya na ako ng umagang-umaga. And he doesn't look bothered by my sharp glances at him. The nerve.
He didn't even tell me kung ano ang dahilan ng pagpunta niya at pagsundo niya sa akin. He just went up on my door being all serious tapos biglang:
"Get dressed. We're going somewhere."
Tapos, pagkatapos niyang sabihin iyon, iniwan niya akong tulala sa sarili kong mundo. Yung totoo? Kaladkarin ako?
But nonetheless, nagbihis na rin kaagad ako. I can't disobey him. At least, that's what the contract says. Kung hindi lang talaga ako nangangailangan, sinapak ko na 'to.
Kaso, baka sa halip na magkaroon ako sa pambayad ng utang ni Papa, ako pa ang magkautang sa kanya.
20 million, remember?
I sighed. I love my life. I love my life. Kalma lang, self.
Pero dahil nga dakilang matigas ang ulo ng inyong bida, humarap ako sa kaniya at tsaka siya tinanong.
Aba, freedom of speech, guys.
"Saan mo ba kasi ako bibitbitin? Akala ko ba, sa kasal na tayo magkikita? Eh, ano 'to?"
"We're going to my mom. I already told her that we're getting married. She said she wants to meet you already."
Yun lang naman pala, eh. Edi sana - wait. What?
"Pupunta na tayo sa Mom mo?!"
"Quit yelling, lady. I'm not even a meter away from you. Geez."
Masungit na sabi niya. Siya pa talaga ang may ganang mag-muryot. Jusko.
"Kung sana kasi sinabi mo na sa akin kaninang 'meet the parents' na ang act natin, edi sana matinong damit yung kinuha ko!"
I looked up front grumpily. Paano ba naman kasi, meet the parents na pala ang nais nitong si Duke, 'di man lang sinabi sa akin.
Like, jeans at off-shoulder top lang ang dinampot ko sa closet kanina. Akala ko kasi, mall lang or boutique ang pupuntahan namin.
Malay ko ba.
Well, ang alam ko kasi, pag may mayamang magiging asawa ang isang ordinaryong babae, may mga metikolosang mga nanay ng mayayaman (in short donya) ang magki-criticize sa girl.
Sa damit, hitsura, status. Everything.
Sa peripheral vision ko, nakita ko namang tumingin siya sandali sa akin. Oh ano, ang casual diba? Samantalang siya, nakasuot ng suit.
"You look decent enough," sabi niya sa akin matapos akong tingnan mula ulo hanggang paa. Napaismid naman ako sa kaniya at saka napanguso.
"Whatever," sabi ko na lang before I rolled my eyes. Para namang may alam siya sa nararamdaman ko ngayon, hano?
BINABASA MO ANG
Kiss the Wind
Romance"Are you ready for the consequence?" Arianna Flair Velasquez or popularly known as Flynn always believed in the power of love. Having her first ever heartbreak, she thought maybe love was a little under her expectations. With this at hand, Flynn pus...