CHAPTER 6. Orientation

1.1K 36 4
                                    


[A/N: Sorry po sa grammar, sorry sa lahat]

Chapter 6

Kinabukasan pumunta ako sa Good Hands Corporation para sa list of requirements na tinext sakin ng HR.

Pagdating ko sa HRD may mga nakaupo din sa labas ng opisina niya. Mga pumasang aplikante, umupo ako sa tabi ng isang babae na parang may hinahanap sa bag. Una hindi ko sya inintindi pero habang tumatagal hindi na talaga sya mapakali sa hinahanap niya. Kaya napilitan akong tanungin sya ...

"Uhmmm ... Excuse me, miss tanong ko la--"

"Wala akong pera!"

"Ah hindi naman yun ang tanong ko."

Huminto sya at tumingin sakin ...

"Pwede ba mamaya ka nalang magtanong!? Iniistorbo mo ko sa hinahanap ko."

"Ano bang hinahanap mo?"

"None of your business!"

(Ikaw na nga tinutulungan nag iinarte ka pa!)

Ilang minuto ang nakalipas, bukod sa wala pa yung HR hanap pa rin sya ng hanap. Sa pagkairita ko hinablot ko ang bag niya at ako na ang naghanap ...

"Wag ka na mag inarte miss nakakagulo ka rin ng konsentrasyon! Ano bang hinahanap mo?"

Nag isip muna sya ...

"Ano na teh? Mag iisip ka pa isasaboy ko tong laman ng bag mo para mabilis kung hindi ka magsasalita!"

"Wag wag!!! Lipstick lang naman."

Napahinto ako ...

"Ano ulit???"

"Lipstick na cherry ang flavor."

"Anak ng tinapa naman!!! Sana nanghiram ka nalang sakin!"

"Ayoko nga malay mo may sakit ka pala hahawaan mo pa ko."

"Oo mahahawaan ka talaga ... SAKIT NG KAGANDAHAN!"

Nagtinginan samin ang mga kasabayan namin lalo na ang mga babae. Tiningnan ko silang lahat at sabay sabay silang umirap sakin. Kinuha niya ulit yung bag niya at lumipat ng puwesto. Sanay naman akong walang katabi at mas sanay akong di makipagplastikan.

Tinawag na kami ng HR na mag aassist samin 50 applicants kami na dinala sa labas ng isang malaking room na may apat na room pa sa loob nito kung saan may, physical examination, laboratory, x ray at dental first 5 applicants muna ang papasok sa pinakaloob at napasama ako sa 1st batch. Pagpasok namin sa loob tinawag muna yung dalawa kong kasabay kaya tatlo kaming nakapila sa labas ng function room.

Habang naghihintay lang na matawag biglang nag usap yung kasabayan kong aplikante ...

"Sino tumawag sayo?" -Girl 2

"Si Sir Victor." -Girl 1

"Ahh sayo din pala. Alam mo ... Asawa ko yun."-Girl 2

Biglang napalingon si ako ...

(TOLOGO BO???)

"Wehhhh? Alam mo sa tingin ko lahat ata tayo sya ang tumatawag ganun daw kasi siya." -Girl 1

"Anong oras ba tumawag sayo?" -Girl 2

"Hmm ... Mga tanghali ganun. Ikaw?" Girl 1

"Mga gabi siya tumawag sakin 8:30pm yun. Ang guwapo talaga ng boses tapos nagkuwentuhan pa nga kami. Ang sarap pala niyang kausap parang sya." -Girl 2

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon