CHAPTER 16. Love Sick

959 25 0
                                    


[A/N: Sorry po sa grammar, sorry sa lahat]

Chapter 16

Ilang araw ko ng hindi nakikita sa opisina niya si Victor. Wala din namang nagbabalita o nagkukuwentuhan ng tungkol man lang sa kanya. Hindi ko rin naman sya magawang tawagan dahil laging may toyo ang phone ko kaya iniimagine ko nalang si sir kapag masyado ko syang namimiss. Alam kong masayang magnasa, pero pagdating sa kanya hindi ko talaga maiwasan. Nageemail siya sakin pero hindi para mangamusta  kung hindi magpasa ng report halos araw araw o kaya pagkasend ko ilang sandali lang may panibago na namang gagawin. Kulang nalang sa akin nalang din ang sahod nito o kaya share nalang kami ako talaga ang paboritong pahirapan nito ehh!!! Pero paraan ko yun para pansinin niya ko kahit papaano saka baka bigla niya akong halikan o kaya bigla niya akong irape ...

(Naku po day hindi ako tatanggi!!! Hahaha)

"Georgina, ikaw nalang maghatid nito."

Inabot sakin ni Richie ang isang basket ng prutas ...

"Ito yung address."

"Teka, ano ako messenger?"

"Basta ikaw nalang magdala dun."

"Teka Lang Richie kani--"

Hindi pa ko tapos magsalita nang layasan ako ni Richie. Sinisipat ko yung basket walang nakalagay kung para kanino itong mahiwagang basket na ito. Pagkatapos ng duty ko umuwi muna ako saglit at nagpalit ng damit. Fitted pants at off shoulder na pang itaas. Habang binabaybay ko ang address na binigay sakin nakatanaw lang ako sa bintana ng sinasakyan kong bus. Binaba ako sa isang village ...

"Excuse me, saan po banda itong 60B West Side Mansion?"

"Kaano ano po kayo nung may ari?"

"Uhmmm ... Pinadala Lang po sakin ito Ng kasamahan ko."

"Pangalan mo?"

"Georgina Fontalera."

Tinipa ng lalaki ang telepono na nasa loob ng guardhouse. Ilang sandali lang ay pinapasok na niya ako sa loob. Malawak ang lugar at tahimik medyo malayo rin ang nilakad ko ...

(Kaya siguro ako ang pinapunta ni Richie dito kasi alam niyang malayo!)

Bukod sa hindi ko alam kung sino ang pupuntahan ko medyo hinihingal na din ako sa kakalakad. Hanggang sa makarating ako sa address na binigay sakin. May malaking gate sa labas ng mansyon at nakita kong may doorbell sa gilid pinindot ko at automatic na nagbukas.

"Yung totoo? Naglalakad na ko kanina sa labas pati ba naman dito maglalakad pa rin ako???"

Hinanap ko yung main door. Hanggang sa nakarating na ko sa paroroonan ko. Kumatok ako pero walang magbubukas dahil hindi naman nakalock nagkusa na kong pumasok. Malinis na malinis ang bahay, ang aliwalas ng paligid.

"Sorry ma'am  hindi ko namalayan na andyan ka na pala."

Isang may edad na lalaki ang lumabas mula sa kusina ...

"Naku po ayos lang naman po ito po pinadala ng isang kasamahan ko *binigay ang basket ng prutas*"

"Salamat ma'am , halika at kumain ka muna alam ko na napagod ka sa paglalakad."

Malawak din ang kusina ng may ari ng bahay na ito. Kumpleto sa gamit pangluto. Isang five course meal ang hinain niya sakin.

"Kumain ka ng marami."

"Salamat po. Sabay na po tayo di kasi ako sanay na ako kumakain tapos may nanonood sa harap ko."

Masarap ang kain ko solved lahat ng pagod ko. At sinabayan naman ako nung manong na kumain. Pagkatapos, aalis na sana ako dahil gabi na rin pero pinigilan ako ni manong ...

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon