CHAPTER 18. Art of Letting Go

855 24 1
                                    


[A/N: Sorry po sa grammar, sorry sa lahat]

Chapter 18

Simula nung araw na iyon lagi na silang magkasama ni Sydney. Hindi ko man lang malapitan si Victor unless pag may report syang pinapatapos sakin pagkapasa ko hindi na sya kumikibo kahit "kamusta ka na?" o kaya "okay ka lang ba?". Madalas pumupunta si Sydney sa opisina niya. Naalala ko yung Victor na nakausap ko nung final interview pagdating sa ekspresyon ng mukha.

"Ito na yung report ko sir *inabot ang folder*."

"Thank you."

"Sir."

"What?"

"Okay ka lang ba Victor?"

"Yeah, kung wala ka ng ibang sasabihin pwede ka ng lumabas."

"Di ka pa kumakain."

"Pagdating ni Sydney saka ako kakain."

"Ahh ... Gusto mo sabayan--"

"Leave, hindi yan para sa tatlong tao."

"Sorry."

Lumabas na ko ng opisina niya. Malaki ang pinagbago niya lagi na niya kong tinataboy palayo. Pero sino ba tayo para sumuko basta basta. Maya maya nakita ko si Sydney bumati ako pero hindi niya ko pinansin. Baka ganun talaga kapag matataas na uri ang nakakausap at nakakasaluha mo.

(Masakit ... Sobrang sakit.)

Umaandar ang mga araw na ganun ang nangyayari. Pinilit kong sumabay sa kanya sa pag uwi ...

"Victor!!!"

Lumingon siya ...

"Pwede ba ko sumabay sayo?"

"Susunduin ko pa si Sydney."

"Puro ka nalang si Sydney ... Di naman yun worth it."

"Wag mong sasabihin sa kanya yan lalo na at kaharap mo ko. Boss mo ko at empleyado lang kita kaya lumugar ka."

(Tanginis ka masyado kang martir!)

"Opo sir. Sorry ulit."

Lumakad na siya patalikod at sumusunod pa rin ako. Pagbukas ng elevator si Sydney, tiningnan kami sumama ang timpla ng mukha niya.

(Lakompake sayo!)

Pagsara ng elevator nakahawak ang kamay ni Sydney sa kanya. Wala kang reaksyon na makikita sa mukha ni Victor. Paglabas namin agad silang umalis at ako iwan na naman.

(Itong mukhang tanga na to)

Umaasa pa rin ako na magbabalik ang lahat sa dati. At tamang tama araw ng mga puso gusto kong yayain si Victor na mamasyal. At saktong hindi pumunta si Sydney noon. Kumatok ako sa opisina niya.

Pagkapasok ko nakayuko lang siya ...

"Victor."

"Yes?"

"May gagawin ka ba mamaya?"

"Wala."

"Tara kain tayo sa labas treat ko."

"I'll try."

"Aasahan ko yan Victor."

"Next time call me sir. Nasa kumpanya kita--"

"Dati ayaw mong tawagin kitang sir."

"Dati yun, iba na ngayon."

"Sige po ... Sir ... Basta mamaya hintayin kita sa park."

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon