CHAPTER 13. CEO vs. CEO

978 29 3
                                    


[A/N: Sorry po sa grammar, sorry sa lahat]

Chapter 13

Nang makabalik na ko sa GHC wala ng umaaway sakin akala nila nagleave ako kaya wala ako ng ilang araw. Naging mababait na ang dating mayayabang sa loob ng opisina. Kaso mas naging mahigpit sakin si Victor di niya nga ko sinasama binibigyan naman niya ko ng sangkaterbang trabaho ...

"Ano na naman to?"

"I need your report today."

"Itong binigay mo gusto mo ngayon ko din irereport sayo!?"

"Yes. Is there any objections Ms. Fontalera?"

"Wala naman pero kakarating ko lang yan agad bungad mo sakin di pa kita nababati ng good morning."

"Doing your job is enough, and remember what you said in our first meeting? Ang makita mo lang ako dagdag inspirasyon para sayo so tapusin mo yan ngayon din hihintayin ko yan mag OT ka kung gusto mo."

"Napaka ano mo talaga sir."

"Di bale pag natapos mo yan may reward ka sakin."

"Ano naman Yun?"

"Secret. Magugustuhan mo yun."

"Kung yung kiss mo ang reward ko magugustuhan ko talaga yun. Pero ayokong umasa kaya hindi ako maeexcite."

"Kung kanina ka pa siguro nagsimula matatapos mo yan nang mas maaga. I need your 200% performance."

Nagmadali akong lumabas. Madalas buwisit siya pero di ko iniinda mas sanay akong asarin siya kasi madalas siyang pikon. Inuumpisahan ko ng magtrabaho nang may dumating siyang bisita ...

"Hi miss."

"Good morning po. Anong kailangan nila?"

Namukhaan ko agad si CEO Cedrick ng OTA Corporation ...

"Nandyan ba si Victor sa loob?"

"Opo."

"Sabihin mo si Cedrick kinukumusta siya."

"Copy po."

Tinawagan ko sa phone si Victor at sinabi kong andito si Mr. Cedrick ...

"Papasukin mo siya dito."

"Copy sir."

Pagkababa ko ng phone tiningnan ko siya ...

"Sir, pasok na daw kayo."

"Thank you Miss."

Pagbukas niya ng pinto may naalala siya ...

"Kung hindi ako nagkakamali. Ikaw yung nasa alumni homecoming na naka gray dress?"

"Uhmm ... Oo."

"Ahh ... Mas maganda ka pala talaga pag wala kang maskara."

"Ahhh ... Pasok na kayo sir."

(Problema nito??? Nasaan kaya assistant nito? Siya lang kaya mag isa)

Tinuloy ko nalang ulit ang ginagawa ko.

At Office of the CEO ...

Habang may ginagawa si Victor nakaupo lang sa sofa si Cedrick hawak ang stressball...

"Bro, kamusta?"

"Okay lang. Tumakas ka na naman ba sa kumpanya mo?"

"Well, oo nakakabagot yung araw araw na meeting saka appointment. Kung ikaw sanay kang hectic ang schedule mo. Ako? Ay naku wala sa bokabularyo ko ang salitang PASSIONATE."

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon