CHAPTER 12. I'm Sorry

993 26 1
                                    


[A/N: Sorry po sa grammar, sorry sa lahat]

Chapter 12

Medyo napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko na naman si Victor na nasa harapan ko nagmadali akong ilapag ang order nila ...

"Ms. Fontalera, can we talk?"

Hindi ako kumikibo hanggang sa lumabas si lolo ...

"Ano pong lasa ng tuna omelette?"

"Masarap po."

"Opo sir sobrang sarap po!"

"Mabuti naman kung ganun. Teka, kilala mo ba sila apo?"

"Ahmm ... Opo ... Lolo si Richie assistant po niya."

"Hello po sir."

"Ito naman po ... Si Mr. Victor Lopez CEO po nung pinagtatrabahuhan ko po ... Pero dati--"

"Good morning sir."

Yumuko sya at nakipagshakehands sa lolo ko ...

"Naku nakakahiya naman para sa isang katulad ko na batiin at makipagkamay pa sa isang may ari ng malaking kompanya."

"Hindi naman po iyon big deal sir."

"Excuse me."

Kinuha ko yung tray at nagmadaling pumasok sa kusina ...

(HAIIXXTTT!!!! Bakit andito sya!!!??? Baka may business meeting ... Dito pa talaga sa lugar namin)

Hawak hawak ko pa yung tray nung makita ako ni lolo ...

"Sya ba apo?"

*Nodded*

"Hihihi mga kabataan nga naman. Mukha namang mabait ang boss mo ahh."

(MABAIT BA YUN??? SAN BANDA???)

"Alam ko nagpoprotesta ka sa sinabi ko pero totoo yun makikita mo yun sa unang kita ninyo kung mabait ba ang isang tao o nagkukunwari lang. *Bumulong* At guwapo rin."

"May delivery ka ba lolo?"

"Meron . Bakit?"

"Ako na pong magdadala."

Inayos ko muna ang sarili ko nilabas ko muna lahat ng kailangan ko habang sila Victor nakaupo pa rin at nagmamasid sa ginagawa ko. Yung panghuli medyo madami tumayo siya at kinuha niya ang dala ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Tinutulungan ka."

"Victor hindi mo ko madadala sa ganyan."

"Mag usap tayo please."

(WOWWW!!!! MAY ALAM KA PALANG GANYANG SALITA??? PLEASE)

Inirapan ko sya. Wala akong balak makipag usap sa kanya. Kakarating lang ni lola galing palengke nang mapansin niyang may bisita ako ...

"Apo, kami ng bahala dito."

Lumapit sya kila lolo at Lola ...

"Pwede ko po bang mahiram saglit si Georgie?"

"Busy ako ma--"

"Oo ba! Wala naman syang gagawin ngayong araw na ito. "

"Loloooo!!!"

"Oo tama ang lolo niya. Kaya Georgie ipasyal mo muna ang boss mo."

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon