CHAPTER 1. PROLOGUE

3.2K 58 3
                                    

Title: Her Bitch But Not A Bitch Assistant
Genre: Romance, SPG
Author: meiterumi005

[A/N: Sorry sa grammar, sorry sa lahat.]

Chapter 1

"Ms. Georgina Fontalera tell us about yourself na hindi namin nakikita sa resume mo?" Saad ng interviewer na nagbubuklat ng kanyang dalang notebook ngunit ang mga mata nito ay nakatutok sa babaeng nakaupo sa kanyang harapan .

"Maganda, sexy, girlfrie--." Taas noong sambit ni Georgina.

"Hindi namin kailangan ng physical traits mo what I mean is kung anong maicocontribute mo sa company." Prangka ngunit may diin sa mga salita nito.

"Ah! Sorry ... 1 word only and that is POWERFUL!" Sabay kindat sa kanyang kausap.

"How can you define yourself as being powerful? Tandaan mo initial interview mo palang to kaya dapat maimpress mo kami sa isasagot mo." Naiinis man ay pinipilit nitong maging kalmado sa kabila ng mga sinasagot sa kanya ni Georgina at sa ngalan ng kanyang propesyon.

"POWERFUL means ME! Hindi ako magpapaimpress sa harapan mo para maelib ka dahil totoo ang sinasabi ko! Mukha palang pak na pak na! Baka nga pati boss ninyo maakit sakin kapag nakita at nakausap na niya ako!" Kumpiyansang sagot nito.

"Hmm . . . Okay, thank you sa entertainment, next!" Sabay sara ng folder ni Georgina at kumuha ulit ng panibago.

"Wait, hindi pa ko tapos!" Kaagad na napatayo si Georgina harapan ng lalaking iyon.

"Sa atin tapos na ang pag uusap na ito kaya maaari ka ng lumabas." Sabay senyas sa marahang pagtaboy ang lalaking iyon.

Pagkalabas ko ay nagkunwari akong walang nakikita sa mga mata nilang mapanghusga! Tusuk tusukin ko pa isa-isa ang mga mata ng mga to akala mo kung sinong makatingin mula ulo hanggang talampakan.

Chin up, stomach in, lumakad na parang model.

"Kamusta ang interview mo apo?" Tanong ni lola sakin.

"Okay naman po hihi." Napapakamot lang ng ulo si Georgina sa kanyang sagot.

"Nakailang apply ka na sana makapasa ka na dyan." Mahinahong saad nito.

Napaupo si lola sa sofa dahil sa bigla niyang pagkahingal kaya kumuha ako ng tubig at pinainom ito sa kanya.

"Lola, inumin niyo to. Nagpagod na naman kayo sana hinintay niyo nalang ako ayoko sa lahat yung pinag aalala niyo ko ng ganyan." Pag-aalalang sambit ni Georgina rito.

"Ayoko lang naman na maging sagabal sa mga pangarap mo. Iniisip ko nga malas sigu--"

"Lola lola lola . . . Hindi ka malas okay hindi kita pinatira dito para mag isip ng ganyan saka relax makakapasa rin ako , makakapagtrabaho, at sa unang sweldo ko kakain tayo sa labas sa mamahaling restaurant. Sa ganda at talino kong to alam niyo malaking kawalan ang mga katulad kong hindi nila pinapasa! Hahaha."

Pilit kong pinapangiti si lola, pinapalis ko ang mga alalahanin niya sa buhay pero nalulungkot din ako sa aking sarili na ilang buwan ng walang trabaho dahilan sa hindi makapasa pasa. Pagkatapos kumain ay pinauna ko ng pagpahingahin si Lola sa kanyang kuwarto kaya ako na ang nagligpit at naghugas ng aming pinagkainan.

Sa kuwarto habang nanonood ako ng paboritong pelikula na "The Best of Me" naka 80 times na kong nanonood nito kulang nalang ikuwento ko pa bawat detalye with matching singhap pa. Nanood ako para lang madagdagan ang stress sa katawan bukod sa kakaisip kung makakapasa ba ko dun o hindi.

"Hays, sana naman makapasa na tayo baka mauwi na talaga ako sa pagsayaw sayaw sa poste . . . NO! Ayoko pang isuko ang bataan at para sa future husband ko lang ito!"

Pahalumbaba akong nakatanaw sa bintana ng biglang tumunog ang cellphone sa aking tabi.

*tooot* *tooot* (Cellphone vibrating)

"Hmm . . . Anong oras na may makikipagtextmate pa." Pahablot ko itong kinuha at binasa ang dumating na mensahe.

(Opening message)
"You've passed the initial interview for Office Staff please come tomorrow at 9:00am in GHC for final interview."

HUWAAAAATTTTTT!!!!! O______________O

(Sa isip ko lang napasigaw ako.)

TO BE CONTINUED . . .

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon