CHAPTER 5. Homecoming

1.2K 38 5
                                    


[A/N: Sorry po sa grammar, sorry sa lahat]

CHAPTER 5

After a month of preparation sa wakas magkakakulay na ang aming 10th alumni homecoming. Out of 1,500 students tumugon na makakadalo Ang 1,286 not bad para sa 1st timer. Kanya kanya na kaming ayos sa bahay at kung tatanungin ninyo kung natuloy ba ang sapakan namin ni Franco. Hindi po dahil nagmadali syang umuwi kesyo pinatawag daw sya ng boss niya pero tumatakas lang yun kasi alam niya mapupuruhan sya sakin. Pero hindi naman talaga iyon ang inaabangan ...

(Magkikita na rin tayo sa wakas Mr. CEO!!! Waaaahhhhhhhhhhh!!! Pag dumating ka mamaya akin ka pero pag hindi ka dumating ... Pilitin mong makarating umaasa ako sayo! Hahaha)

Nagsuot ako ng plain silk gray na dress para malaya akong makakilos, simpleng make up at lipstick, pabango na madalang gamitin pero hindi pa naman expired at syemre gray din ang volto mask ko para mas mysterious ...

5:00pm nang makarating ako doon may mangilan ngilan ng tao sa loob ng registration kung saan nandun sila Trina at Alexa na nag aabang at nag eentertain ng mga guest may ilan na ring VIP sa loob ...

"Kamusta dito?"

"Ohh Georgina!!! Ikaw ba yan???" Manghang tanong ni Alexa ...

"Oo naman bakit? Wala bang kupas??"

"Ang init naman dito may hot kasi tayong kausap!" Sambit ni Trina ...

"Sino?" Kunwari hindi ko alam kung sino syempre pahumble lang tayo!

"Style mo talaga bulok! Magpirma ka na sa pangalan mo dyan." Inabot sakin ni Alexa ang clipboard na may list ng mga pupunta ...

(Wala pa rin siya?)

Pumirma na ko sa name ko at kumpleto na kaming nagbabantay sa registration. Maya maya dumating na rin sila Celina kasabay si Franco ...

"Pwede bang mag CR?" Tanong ni Trina ...

"Oo naman bakit? Masakit ba tyan mo?" Takang tanong ni Alexa

"Hindi masakit tyan niyan masakit ang puso niyan tingnan mo naman magkasama yung dalawa. Ito ba namang si Katrina baliw na baliw sa lalaking yun mukha naman talagang paa!"

"Ang harsh mo besh!"

"Totoo naman eh!"

Paglapit nila samin ang ayoko talaga sa lahat yung tinitingnan kami mula ulo hanggang paa akala mo may ibubuga tong mga to! Si Celina na nakasuot ng long gown na may slit sa kanang hita halos kita na yung strand ng panty niya pag naglalakad sya at si Franco na nakabrown na tuxedo ...

"Si Trina?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang baka maglaway na yun pag nakita niya ko. Baka nga pati rin kayo nagnanasa na kayo sakin."

"Yuck!" Sambit ni Alexa

"Ako maglalaway sayo??? Duduraan lang kita!!! Gusto mo? Ayoko sa dungo ih kaya pumirma ka na agad dyan at baka ituloy ko pa yung iniisip ko."

(Wala ka pa sa hinlalaki ng babe ko kaya wag kang ilusyonado paa!)

"Tara na Franco we're wasting our time here we must get inside na."

(Isa pa to paenglish English ka pa barok naman!)

Pagpasok nila sa loob saka palang lumabas si Trina ...

"Anong nangyari?" --Trina

"Dinuraan ko!"

"Hala! Bakit?" --Trina

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon