CHAPTER 7. First Day of Work

1.1K 33 1
                                    


[A/N: Sorry po sa grammar, sorry sa lahat]

Chapter 7

Isang buong araw kong binasa yung module. Parang nagrereview lang ako para sa exam inaantok ako kaya naisip kong buksan ang tv at manood ng SpongeBob SquarePants pampagoodvibes lang hanggang sa nakatulugan ko na ang ginagawa ko ...

[Georgie ... I love you]

[I love you too Victor ... I'm yours]

Maglalapat na ang aming labi nang ...

*Blagggggg!!!*

(NAKAKAINIS NAMAN PAASA NAMAN ANG PANAGINIP NA YUN!!! KISS NA NGA LANG IPINAGKAIT PA!!!)

Kamot ako ng kamot sa ulo ko. Tiningnan ko ang phone ko naalala ko may bonding kami ng mga kaibigan ko. Pinagluto ko muna si lola ng makakain niya dahil ayoko syang mapagod at magtrabaho buong maghapon pagkaalis ko dumiretso agad ako sa dati naming tagpuan ng mga kaibigan ko para sa aming bonding at celebration dahil sa wakas may trabaho na kami ni Trina. Sa puwesto namin malapit sa mga romance pocketbook nauna akong dumating naghihintay kila Trina at Alexa. Dala ko yung module na pinahiram sakin ni Victor. Habang nagbabasa ako hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala sila. Binaba ni Alexa yung module na binabasa ko ...

"Balik highschool ka besh?"

"Hindi nuh! Module to."

"Para saan?"

"Sa trabaho ko pinahiram to ni Sir Vic--"

"SIR VICTOR BA TALAGA TAWAG MO?" --Alexa

"Syempre!!!"

"Wowwwww!!! Boss mo pala sya congrats!!!" Pagbati ni Trina sakin

"Ikaw naman Trina? San ka natanggap?"

"Audit Staff ako sa ospital na pinag applyan ko."

"Owww, congrats din sayo!!!!"

"So ano na? Kuwentuhan nalang tayo maghapon hindi na kakain? Don't worry sagot ko ngayon ang pakain." Sambit ni Alexa

"Yesss!!!" --Trina

"Yan talaga inaabangan ko sayo eh. Hahaha."

Habang kumakain nagkukuwentuhan at nagtatawanan lang kami. Pagkatapos naming kumain dumiretso kami sa Museum picture dito, picture doon. Habang nagtitingin tingin kami may mga bata ring sumusunod samin kung saan kami pupunta andun din sila nagmukha kaming teacher ng mga batang ito. Dahil si Trina ang pinakamalapit sa mga bata Kaya hinayaan lang namin syang maging masaya.

Pagkatapos naming magtour sa loob ng museum nagpaalam na samin ang mga bata. Nasa park na kami at kumakain ng ice cream nang may makapansin samin ...

"Uyy!!! Sila Georgina oh!!!"

Lumingon kaming tatlo sa direksyon na pinanggalingan ng pagtawag sa pangalan ko. Agad na namutla si Alexa ... Si Drew kasama ang mga barkada niya ...

"Hi Alexa kamusta ka na?"

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanila

"Relax Georgina relax!!! Ikaw naman nag iinit ka kaagad wala naman kaming ginagawang masama."

"Subukan niyo lang. Tatamaan kayong apat sakin!"

"Wala naman kasi kaming gagawing masama sa mga kaibigan mo."

"Tara na Georgie alis na tayo dito." Pag aaya ni Trina

"Trina ang ganda mo lalo, gusto mo sumama ka samin." --Paulo

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon