CHAPTER 14. Controversy

968 22 0
                                    


[A/N: Sorry po sa grammar, sorry sa lahat]

Chapter 14

Kinabukasan, pagpasok ko ng opisina lahat sila nakatingin sakin bawat nakakasalubong ko may binubulong kapag dumadaan ako. Wala pa si Victor ng mga oras na iyon.Pagdating sa puwesto ko binuksan ko agad ang laptop ko at inemail ako ng isang katrabaho ko.

"Check the news."

Binuksan ko yung link na naka attach sa email ...

*O________O*

"Ano to?"

Mga litrato namin ni Victor, sa Wind Village saka kagabi sa convenience store. YOUNG CEO, SPOTTED DATING WITH ONE OF HIS COLLEAGUES. Habang binabasa ko yung article muntikan ko nang mabuga Ang iniinom kong kape dahil nakita nila kaming magkayakap, holding hands, nagsusubuan at naghahalikan

(HUWAAAAAWWWWWW!!! Itong mga paparazzi na to ang tataba ng utak! Holding hands??? Wala naman akong matandaan na nagholding hands kami tapos NAGSUSUBUAN!!! Kailan kaya yung subuan portion na yun wala pa naman akong natitikman sa kanya ay este galing pala sa kanya!!! Sorry Nadala ako dun pero ito ang mas matindi ...NI HINDI NGA KO MAKAHIRIT NG HALIK DUN TAPOS MAY GANITO NA AGAD SA BALITA NINYO!!!??)

Napapakamot ako sa ulo at naisipan kong sumilip sa bintana ng floor namin. Kitang kita ko sa baba na may mga media ng nag aabang sa labas ng building. Mabilis pa sa alas kuwatro kung makasagap ng fakenews tong mga to, sabagay ano pa bang ieexpect mo? Na hindi maiissue sa labas ang Top 1 CEO? Kailan pa nangyari yun?

"What are you doing?" Bungad na tanong sa akin ni Victor na seryoso na naman at mukhang wala sa mood ang lolo mo ...

"Sumisilip sa mga fans mo sa baba."

"I don't have time for entertaining some nonsense issues like that."

"Galit ka na niyan babe?"

"Not for now kasi may ipapagawa ako sayo at dapat afterlunch tapos mo na yun."

(NA NAMAN!!!???)

"Wait, afterlunch talaga??? Wala ka bang balak pakainin ang katulad kong--"

"May reklamo ka ba sa sinabi ko Ms. Fontalera?"

"Meron sir, hindi ako makakakain ng lunch break!"

"Then you decide, gagawin mo yung pinag uutos ko o ikaw ang bababa at haharap sa press?"

"*Sarcastic*Pag ako humarap sa press Kung ano itatanong nila yun ang isasagot ko?"

Napaisip siya bigla ...

"I change my mind. Tapusin mo nalang yan ngayong araw."

"Ayy, ayaw mong ako humarap sa press?"

"Pag ikaw ang haharap dun lalong lalaki ang issue kaya ako nalang."

"Like, kung naghalikan na ba tayo isasagot ko hindi po totoo kasi di ako makahirit instead ako po ang humalik--"

"Go back to work Ms. Fontalera!"

"Copy sir!!!"

(Wala man lang tiwala sa isasagot ko. Pero okay lang makakakain ako sa tamang oras. At nasira ko lalo ang araw niya. HAHAHAHA)

Walang araw na hindi pwedeng hindi ako uuwi nang hindi ako dadaan sa kanya para magreport. Sumilip ulit ako sa bintana andun pa rin sila. So itong si CEO talaga namin ang inaabangan nila. Maya maya may nagpuntang mga bodyguard sa labas ng opisina niya. Lumabas si Victor habang nag aayos ng sleeves ng polo niya dali dali siyang lumabas papunta sa basement kung saan dun nakapark ang kanyang sasakyan.

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon