CHAPTER 25. Night With Him

979 20 4
                                    


[A/N: Sorry po sa grammar, sorry sa lahat]

Chapter 25

Dahil kalahating taon na kami sa kumpanya nilabas na ang aming evaluation kung makakapagpatuloy pa kami o hindi. At pasalamat nalang dahil nakita ko ang pangalan ko sa bulletin. At isa isa kaming pumasok sa HR Office para sa pagpirma ng kontrata. Halos lahat kami ay natuwa dahil walang natanggal samin. Huling araw ko na sa aking part time job sa coffee shop nang ipatawag ako ni manager ...

"Georgie."

"Yes po?"

"Salamat sa pag stay mo ng ilang buwan samin isa ka pa naman sa masisipag kong waitress pero sa ngayon kailangan mo ng umuwi."

"Bakit po?"

"May naghihintay sayo sa labas."

"Ha? Sino po?"

Sumilip ako sa pinto at nakita ko si Victor na nakaupo sa isang sulok. Kaagad akong lumapit sa kanya ...

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka."

"Mamaya pa ang out ko."

"May pupuntahan tayo."

"Saan?"

"Basta. Wag ka ng maraming tanong."

"Kung kailan last day ko na dito saka mo ko kukunin nang maaga."

"Kasi kanina pa tayo hinihintay dun."

"Sino naman?"

"Imbis na magtanong ka ng magtanong dyan magpalit ka na ng damit at bibiyahe pa tayo."

Kahit na napapaisip kung ano man yun nagpasya na rin akong magpalit at sumama kay Victor. Habang nasa byahe tinitingnan ko lahat ng pictures na nakolekta ko sa digicam ...

"Ang ganda ganda talaga ng mga pictures natin dito."

" ... "

"Nagpapasalamat ako kasi nakilala ko kayo nila Richie puro kasi si Trina at Alexa ang nakakasama ko since high school."

" ... "

"Victor?"

"Uh."

"Ang tahimik mo naman dyan parang kausap ko yung hangin."

"Nagcoconcentrate kasi ako magdrive Georgie pero nakikinig naman ako sa sinasabi mo."

"Ahhhh ... Sige sige kukuwentuhan kita habang nagdidrive."

"Sige lang makikinig lang ako."

"Nung una talaga kitang makita sa final interview NAPAKASUNGIT mo, ayaw mo sa mga biro kong totoo pero kahit masungit ka ... ang GUWAPO GUWAPO GUWAPO mo talaga sa paningin ko. HAHAHA!"

" ... "

"Tapos yung moment natin sa party shocks talo talo na talaga!!!"

" *Smiling* "

"Tapos yung kausap ko parang hindi talaga interesado."

Mula sa passenger seat bigla kong dinungaw si Victor habang ngdridrive ...

"Victor umiiyak ka ba?"

"No."

"Bakit parang naluluha ka?"

"Mali ka lang ng nakikita."

Pero sa paningin ko talaga umiiyak siya. Hindi lang talaga siya mahilig mag open ng nararamdaman niya. Sa isip naman ni Victor ...

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon