CHAPTER 22. Best Reward Ever

853 21 0
                                    


[A/N: Sorry po sa grammar, sorry sa lahat]

Chapter 22

[Georgie ...]

[Victor ... Uggghhh make it faster!]

RRRRIIIIIIIIIINNNNGGGGGGGG!!!!

Pinukpok ko yung alarm clock ko. Nagising na naman ako sa imahinasyon akala ko totoo na ... Akala ko totoo ko ng naisuko ang bataan. Pawis na pawis ako.

(Arrgggghhh!!! Pinagnanasaan ko pa rin pala si sir. Ilayo niyo po ako sa tukso!!!)

Sinampal ko muna ang sarili ko saka ako bumaba para kumuha ng maiinom dahil bigla akong pinagpawisan sa panaginip ko. Pagbangon ko, dahil medyo inaantok pa pupungas pungas akong dumiretso sa kusina. Binuksan ko yung ref at tumayo ng ilang sandali ...

"Iinom ka ba o magsasayang ka lang ng kuryente?"

"Iinom..."

Bigla akong lumingon. Parang boses ni Victor yung narinig ko ...

"Panaginip ba ang lahat?"

"Yung pag ungol mo sa kwarto habang binabanggit yung pangalan ko panaginip mo lang yun pero itong si Victor Lopez na nasa harapan mo totoo."

Sinampal ko na naman yung sarili ko ... Bago ko pa suntukin si Victor nahagip niya ang braso ko at nilagay niya sa likod ko. Sabay bulong sa tenga ko ...

"Ms. Fontalera, kapag narinig ko pang umungol ka nang ganun at narinig ko na naman ang pangalan ko hindi na ko magdadalawang isip na tulungan ka."

(Hinahamon ba ko nito?)

"As if namang tutulungan mo ko ... Victor."

"Georgie ... Can you do me a favor?"

"Ano yun?"

"Pwede mo ba kong tawagin sa pangalan ko na katulad ng dati?"

"*Napaisip* Hmm ... Yun lang ba gusto mo?"

"Hindi, gusto ko lahat yung dating ikaw na nangungulit sakin."

"Pag ginawa ko yan, ano namang makukuha ko?"

"Lahat ng meron sakin."

"Hindi ko kailangan yan."

"Yung katawang inaasam mo."

(OWMAYGAS ANG SABI KO ILAYO SA TUKSO HINDI ILAPIT SA TUKSO!!!)

"Wooooaahhhhh!!! Napakatapang naman niyan Victor Lopez!!! Sige ba deal ako dyan!"

Biglang nagpumiglas kay Victor ...

"Teka Teka Teka ... Kanina pa tayo nag uusap dito hindi mo man lang sinabi sakin kung paano ka nakapasok dito???"

"Bukas kasi yung gate ng bahay mo. Kung gusto mong manakawan sana pinaskil mo nalang sa labas na welcome sila."

"Ayt ... Sorry pero *tumingin sa orasan* may pasok pa pala--"

"Take it as your day off."

"Huh??? Paano ang sweldo ko?"

"Rest assured, bayad ang araw mo ngayon."

"Wowwwww anong meron?"

"Sasama ka sakin."

Her Bitch But Not A Bitch AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon