Chapter Nineteen

185 4 2
                                    

Senior

"You don't have to, I'm fine."

"No, baby. I insist," sagot ni Zerxes sa akin at kinindatan ako. I swear to God, para akong hinahabol ng mga kabayo sa sobrang bigat ng paghinga ko sa tuwing gagawin niya iyon!

"Eh, nakakahiya baka tuksuhin nila tayo," I replied. Hindi pa kasi alam ng mga kaibigan ko na boyfriend ko na siya. I'm too shy and occupied to talk about it. Atsaka malalaman din naman nila, eh.

"What's wrong with that? It's true anyways," he said cooly and held my hand. Hawak niya sa kabilang kamay ang kaniyang bag habang nakasukbit naman sa kabilang balikat niya ang akin. His other free hand held my hand lightly. Hooby niya na yata ito, lagi ba namang gawin sa akin.

"Are you shy? Ang lamig ng kamay mo," pagpuna ni Zerxes sa'kin. Dahan-dahan akong tumango at nagbaba ng tingin. Mukhang napansin naman niya at tumigil sa paglalakad.

"Hey, look at me baby. Come on."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nasa harap ko na siya ngayon habang hawak pa rin ang kamay ko. Lumingon ako sa paligid at nakita na wala pang masyadong tao.

"Don't be shy. From now on, these things are now normal. 'Wag kang masyadong mag-isip, okay?" he said and caressed my hand.

Nakangiti akong tumango at naglakad na ulit kami. He's insisting on sending me to my first class today. Hindi niya ako tinigilan kagabi hanggat hindi ako umo-oo.

For God's sake this is too sweet for me to handle!

"We're here, study well okay? I should get going."

"Ah, oo. Salamat. Ikaw din, Attorney. Listen to your professors and don't use your phone!" I scolded him back. He chuckled and gave me my bag and then he ruffled my hair. Sumimangot ako sa kaniya kaya naman mas lumawak pa ang ngisi nito.

He hugged me tight and kissed my forehead after. Sobrang clingy niya, I swear. Siya yata ang babae sa'min! But, it's okay. I love it anyways. Wala naman akong talo.

"Sige na, bye na," itinulak ko na siya palayo habang tumatawa. Nang makalayo na si Zerxes ay saka pa lamang ako pumasok sa classroom. May mga tao naman na sa loob kaya kampante akong naupo sa aking upuan.

"Boyfriend mo?"

"Ay, boyfriend!"

"Ah, so boyfriend mo nga," natatawang ani Cyril sa'kin. Naramdaman ko ang pagiinit ng aking mukha dahil sa tinuran niya. Shit, nakita niya ba kami? Nakakahiya, ang PDA namin!

"Ah, oo eh. B-bakit?" I asked awkwardly. Umiling lamang si Cyril habang nakangiti sa'kin. Pagkatapos ay tumalikod ito at tahimik na bumalik sa kaniyang upuan. Anong meron doon?

"Claize Villarosa!"

"Ano na naman?!" napasigaw na din ako dahil sa gulat. Ngunit gumaan naman ang pakiramdam ko nang makita na si Mimai at Jas iyon na papasok pa lamang sa classroom. Wala pa sina Alli at Rizza? Himala ah.

"Boyfriend mo si Lock?! Omg, girl! Congratulations, ninang ako!" eskandalosang sigaw ni Jas at tumakbo pa palapit sa'kin para lamang yugyugin ang balikat ko. Nakakahilo!

"Salamat, Jas, Mai. It feels kinda surreal, but I've never been this happy in my entire life," I honestly said. Napatakip naman si Mai sa kaniyang bibig at kunwari pang naiiyak! Pang FAMAS talaga 'tong mga kaibigan ko.

"Girl, ang blooming ng love life mo. Sabi ko na talaga! Oh 'di ba kayo din ang naging magjowa? Ang suwerte, shems," Mai said and hugged me tightly. Natatawa akong yumakap pabalik sa kaniya.

Where Should I Start? (TeeLogy #1 : COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon