Chapter Twenty Five

154 2 6
                                    

a/n: sorry for this short update. i'll try to do better, next time. anyway, here it is. xoxo.

----------------------

Kuya

"It's a pleasure to meet you two. Come here and sit, dear."


Naupo kaagad ako nang alalayan ako ni Dra. Mendez maupo sa visitors chair. She's the OB that Dr. Takahashi referred us. Hindi ko lamang talaga maintindihan bakit kami dinala rito samantalang sa panlasa at pang-amoy naman ang problema ko.


"Dr. Takahashi sent me the details and notes about your condition. Hija, I am most certain about the result. Pero kailangan natin pakasigurado. Take this with you and go to the comfort room. Go straight and then turn left, the first door. We will wait here," ani Dra. Mendez at ibinigay sa akin ang isang maliit at pahaba na bagay.


What? A pregnancy test kit?


Saka lamang ako kinabahan nang mapaisip tungkol sa mga nangyayari sa akin. That's why we're here! How dumb of you, Claize! Ngunit papaano ko sasabihin kay Zerxes ito? Ni sa akin ay wala siyang oras, papaano na kung magkaka anak nga talaga kami?


"Calm down, Claize. You got this. You're strong as fuck," pagbulong ko sa sarili bago mabilis na tinungo na ang comfort room. I went inside a cubicle and sat down the toilet to take the test. Naghintay ako ng ilan pang mga segundo bago lumabas ng cubicle.


I didn't take a single look at it. Nang makalabas sa cubicle at makapaghugas ng kamay ay saka ko lamang tiningnan ito.


"Oh my God."

------------------

Mabagal ang paglakad ko at lutang ang isip ko.


"Claize, hija, are you okay?"


"Claize, show us."


Napaangat ang tingin ko sa nagpipigil at matigas na boses ng kuya. His jaw is almost clenching from the anticipation and...I don't know, anger? Nagtutubig na ang mata ko at hindi alam paano sasabihin.


"Kuya, kuya buntis ako."


Humagulgol ako sa hindi ko alam na dahilan. Kung saya ba o pangamba. Kung hindi ako kaagad na nayakap ng kuya ay baka napasalampak na ako sa sahig. Hinawakan ko ang aking tiyan. I shouldn't worry because Zerxes loves me, right? May trabaho kami pareho, I'm sure we can raise the child with a good environment! Pero, bakit? Bakit imbis na sumaya ako ay binalot pa ako lalo ng lungkot at pangamba?


"Claize, shh. We still have a few tests to run. We'll go home after and you're not gonna go back to the company. Don't cry, princess. Nandito si kuya," kuya consoled me until I stopped crying.


Ang sumunod ay ang pagkumpirma nga ni Dra. Mendez ng pagbubuntis ko. She gave us a list of does and don't's, mga pagkain na dapat kainin at listahan ng mga gatas at supplement sa buong siyam na buwan ko. This is it, right?


I'm now a mother. I will never give this child up.


"Claize, are you okay? I'll bring you to our mansion," kuya asked me softly. Tumango lamang ako at pagod na ngumiti bago kami umalis ng hospital. Kuya talked to me along the way.


"Claize, you should try talking to Lock," ani kuya at nilingon ako ng bahagya. Tumango ako at sinubukan tumawag sa numero ni Zerxes. I called him for about six times, but it was all unattended. Hindi sinasagot o patay ang phone, I don't know.


"He's not answering. He's handling the Gomez Case, kuya," maliit na boses kong sabi. Huminga ng malalim ang Kuya Jerale bago tumango lang.


Where Should I Start? (TeeLogy #1 : COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon