Chapter Twenty

188 1 8
                                    

Lost

"Anak, ready ka na ba?"

"Yes, 'Ma," nakangiti kong tugon kay Mama at bumaba na sa sala, suot ang aking toga. It's been 4 long years in college, now, I am finally graduating!

"Double time, fam. Malelate tayo," nakangiting paalala ni Daddy at inaya na kami sa sasakyan. Pagpasok ay naupo kaagad kami ni kuya sa backseat at si Mommy naman ay katabi ni Daddy sa harap. I put my seatbelt on and kuya did the same, too. It's not that long for a drive, ngunit baka ay traffic. Hassle ma-late sa mismong graduation.

On the other hand, Kuya Jerale held my hand kaya napalingon ako.

"I'm so proud of you, princess," kuya said softly and caressed my hand. Gustuhin ko mang umiyak ay bawal. Dahil kahit waterproof ang make-up ko ay baka haggard na ako pagdatin sa venue, I don't want that.

"Thank you, kuya! 'Wag mo 'ko paiyakin agad, please," I said dramatically kaya lahat ng tao sa loob ng sasakyan ay napatawa. It's a family day  dahil graduation ko na din naman.

But I promised Zerxes lunch and dinner for my family and other relatives. Sigurado ko namang lalabas din ako mamayang gabi upang makipagkita kay Zerxes. Malamang sa malamang ay dadalaw pa rin iyon sa bahay mamaya.

"Finally, nakapagpatapos na ako ng mga anak ko. It's time to retire," ani Daddy. I glanced at Kuya who just smiled beside me and nodded. Kuya's the eldest so probably, sa kaniya ang kumpanya. Mabuti na lamang at hindi labag sa loob ng kuya dahil gusto niya rin na alagaan ang ipinundar ni Daddy.

"Mom, Dad, Kuya, thank you sa lahat. It's too early to say this but, thank you para sa lahat po. Hindi ako makakarating dito kung wala ang suporta at efforts ninyo," I said sincerely. Mom glanced at me and smiled with teary eyes. Dad just glanced at me from the rearview mirror and nodded. While kuya, he held my hand tighter.

Sobrang suwerte at saya ko sa pamilya ko. Wala na akong mahihiling pa.

The drive went a bit noisy when kuya started throwing in some jokes! Puwede na daw ako maging nanay dahil graduate na. Loko loko! Wala pa iyon sa plano namin ni Zerxes kahit pa opisyal na din siyang abogado. He goes by Atty. Zerxes Lock Tee now. I'm proud.

I'm just so shy when he talks about it, too.

Hindi ko alam paano! Paranoid ako dahil hindi naman ako gaya niya na inenjoy ang college sa mga bar. Yes, I drink, but I don't do casual sex. Hindi pa ako handa magka anak nang biglaan, 'no.

"Claize, hija. Basta kung ano man ang mangyari matapos ito lahat, nandito pa rin kami ng Daddy at Kuya mo para sa'yo," Mom smiled sweetly at me. Tumango ako at tumingin sa bintana ng sasakyan.

Finally, this is it.





"Villarosa, Claize, Mercado. Cum Laude."

Mom and I went up the stage when my name was called. Ang mga kapwa ko nagsipag tapos ay pumalakpak naman. Malaking ngiti ang aking ginawa habang nakikipag kamay kami ni Mommy.

"Congratulations, Miss and Mrs. Villarosa. What a great child," pagbati sa'kin ng aming Dean nang kamayan ko ito. Nagpasalamat ako at nakipag kamay sa ibang tao na naroroon sa itaas.

We stopped on the other side of the stage to take our picture. Mom and I smiled widely at the camera and went candid for the second shot. Iwinagayway ko ang aking diploma kay Kuya, Daddy at Zerxes nang matanaw ko sila na nakaupo sa gilid bilang manonood. They clapped and smiled at me.

Sa totoo lang, naiiyak ako.

I made it through college as a Dean's Lister for four consecutive years and I graduated Cum Laude. I got myself a handsome, responsible and an Attorney boyfriend and I have a great bunch of friends with me. Higit sa lahat, narito ang pamilya ko para sa'kin ano man ang mangyari. I'm feeling blessed, really.

Where Should I Start? (TeeLogy #1 : COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon