Rest
"Kuya, don't!"
"No, let me talk to Emmett!" galit na sigaw ng kuya bago padarag na tumayo galing sa kinauupuan.
I told him about the penmanship and kuya's certain that it's Emmett who has been following me around for about a month and couple of weeks now. Tumutol ako dahil nga sa wala pa kaming ibang ebidensya kung sakali ay paparatangan namin 'yong tao.
"Kuya, it's not fair! Wala pa tayong ibang bagay laban sa kaniya. And he's your friend!" I shouted which made kuya stop on his tracks and look at me.
"Bullshit, Aize. The moment he followed you around and caused you distress, we're not friends anymore! At gusto mo na kumuha pa tayo ng ebidensya? Putangina, gagawin kitang pain para sa ebidensya? You're my sister here and I don't want to see you getting stressed about this situation anymore! Hijo de puta!"
I swallowed hard and lowered my head. Hearing kuya cuss harhsly means he's mad.
"I'm not mad at you, Aize. I'm mad at myself because I never thought that it could be him in the first place. Ang lagi niya lang sinasabi sa'kin ay gusto ka niya. I...never thought that it will lead to an obsession," ani kuya na mas mahinhin na ngayon. Nag-angat na ako ng tingin bago bumuntong hininga.
Lumapit ako sa kuya at hinawakan ang kaniyang kamao. I want to calm kuya down so bad. Talks can wait. Baka kami or worst, si kuya pa ang mapasama kapag hinayaan ko siya.
"Kuya, we'll wait until tomorrow. Gabi na oh atsaka baka tayo pa ang mapasama kapag nagpatiuna tayo sa galit. Come on, kuya," I urged him to sit back down. He did and he calmed down a bit.
Nang makabalik sa pagkakaupo ang kuya ay hinimas ko pa ang likod niya upang tulunagn siyang kumalma. Kuya just held my hand and seems to be in deep thought. Pasalamat ako'y close kami ni kuya at hindi kami nagkakahiyaan magdamayan. Pasalamat lang din ako na hindi ako pinababayaan ng kuya.
Nasa gitna kami ng ganoong sitwasyon nang biglang may malalakas na katok ang dumistorbo sa amin. Sumisigaw pa ang kasambahay habang malakas na kinakatok ang pinto!
"Ma'am Claize, Sir Je! Bumaba ho kayo dali!" sigaw nito at muling kumatok ng pagkalakas. Kuya and I looked at each other bago dahan-dahang lumabas.
"Nako, ser! Nasa labas ho si Sir Falcon atsaka 'yong kaibigan mo ma'am! Naku may binubugbog ho silang lalaki at sabi sa'kin ay tawagin kayo!" nagpapanic na sumbong ng kasambahay.
Kuya looked at me knowingly bago nagmamadaling bumaba. Ako nama'y sumunod na lamang din dahil baka kung anong gawin nila!
I assured the maid first that it's okay for us to deal with it at pupwede na siyang bumalik sa ginagawa. It can't be, right? Hindi naman pati hanggang sa kuwarto ko'y masusundan ako, hindi ba?
Dali-dali din akong bumaba at nang makalabas ay naabutan ko ang eksena nilang apat. Si Falcon na hawak ang dalawang kamay ng lalaki sa likod at si Zerxes na sinasapak ito. Si kuya naman ay nakatulala lamang. Mas lumapit ako upang makita kung sino ang kinakawawa nila!
"Zerxes, stop it! Mapapatay mo 'yung tao!"
"Better, then," he said mercilessly at pinatawan muli ng suntok sa mukha ang lalaki. Bahagyang napalingon ang ulo niya sa direksyon ko dahil sa impact. That man raised his head and slowly, I saw his full face.
"Oh my God," napatakip ako sa'king bibig nang makitang si Emmett ito! Shit, kuya's right!
"See, what did I tell you," mahinang anas ng kuya bago ako nilapitan at niyakap. I never thought that it's him until yesterday. Halos ilang linggo akong nakabuntot sa kanila! Lagi pa kaming magkasama. God, what did I do?
BINABASA MO ANG
Where Should I Start? (TeeLogy #1 : COMPLETED)
Roman pour AdolescentsWhere Should I Start? Alexander Falcon is the type of a real deal guy. Almost. Everyone always fall for his charms. Halos lahat ng kababaihan sa paligid niya'y kilala siya. And the men around him considers him as an enemy. An enemy that they can nev...