Malapit ng magtanghali nang magising ako. Dumungaw ako sa bintana ng aking silid at doon ko nakita si Javier na may kausap na kapwa niya trabahante.
Kung pagmamasdan ay bumagay ang moreno niyang kulay sa buong kaanyuan niya. Matangkad siya at masasabi kong gwapo rin naman. I wonder if he has someone special right now.
Bakit ko ba iniisip ang bagay na 'yan? Of course, he has. Ang mga lalakeng katulad niya ay siguradong hindi nawawalan ng babae sa tabi.
I shook my head with my thoughts.
Hindi ko inaasahan na nadako ang tingin niya rito kung nasaan ako dahilan upang magkatinginan kami. He gave me a smile but instead of returning a smile to him, napagpasyahan kong umalis na sa may bintana at lumabas ng aking silid.
Hindi ko dapat pinag-aaksayahan ang taong katulad niya. He helped me, yes, but that doesn't mean that we're friends.
Sa pagbaba ko ay nakita ko si mamá na nagbuburda. Hindi ko na lang sana siya papansinin at magtutungo na lang sana ako sa dining room upang kumain pero narinig ko siyang tinawag ako.
Kahit papaano ay may kaunting respeto pa rin ako sa kanila ni papá kaya't humarap ako sa kanya kahit ayaw ko.
"¿Qué?" I asked sounding uninterested.
"Gusto mo bang tulungan ako sa pagbuburda?" she asked smiling.
Why is she acting like this?
Why is she acting as if there's nothing happened?
"Pasensya na po pero hindi ako marunong magburda." Again, I acted indifferent towards her.
"I can teach you, hija," she said still smiling.
Umiling ako. "Kakain na po ako."
Akala niya ba ay ako pa rin si Helena? Or is she turning me into her?
Kung ano man sa dalawang iyon ang totoo, ayoko nang malaman pa. Wala rin naman magbabago. Wala pa rin silang kwentang magulang. Silang dalawa ni Miguel.
Nagtungo na ako sa dining room at doon kumain mag-isa. Sanay naman na ako sa ganito 'tsaka isa pa ay mas gusto ko pa nga ito kaysa saluhan ang magulang ko na wala nang ibang ginawa kundi pagsabihan ako sa mga mali kong nagawa at sa mga dapat kong gawin.
They have been controlling my life ever since. Akala ko ay darating din ang panahon na titigil din sila but to my surprise, they even promised me to Franco for marriage.
For what?
Sigurado akong para mas lumakas ang kaalyansa nila sa negosyo. Hindi sapat na kaibigan lang nila ang pamilya Reyes, gusto pa talaga nilang makapasok sa pamilyang iyon gamit ako.
Instrumento lang naman ako ng mga gusto nilang mangyari sa buhay nila. They don't care about my feelings. They don't care about me. Ni minsan ay hindi ko man lang sila narinig na tinanong ako tungkol sa gusto ko, they always command everything that I should say and do.
Well, sorry na lang dahil hindi ako katulad ni Helena. Hindi ako katulad ng kakambal ko. I would never let anyone dictate my life.
Kaya hindi rin nila ako masisisi kung bakit ko nagawang pagpanggapin si Luisana bilang ako. I don't want to be tied up to a man I don't love.
Speaking of that. Kailangan ko nga palang makausap si Franco. I needed to tell him something important.
Pagkatapos kong kumain ay nagsimula na akong mag-ayos ng sarili. Wearing my dark washed ripped jeans and a plain crop black tee with a flannel tied on my waist, I decided to went downstairs.
BINABASA MO ANG
Sincere Love
RomanceAMOR SERIES # 3 Amor Sincero Doubts. Judgments. And love. Can Jimena accept without inhibitions a love gifted to her sincerely?