Nang tawagan ako ni Raphael na nawawala si Helena ay hindi na ako nagdalawang isip na magpunta kay Franco at ibalita ang nalaman. We immediately decided to go on Maynila.
Wala rin akong ibang sinabihan sa nangyari maliban kay Javier na tinanong ako kung anong nanyari. Marahil ay nakita niya ang pangamba sa aking mga mata at ang mabilis kong kilos upang makaalis lamang agad ako sa hacienda.
Nang makarating kami sa tahanan ng Santos ay hindi na kami nagaksaya pa ng panahon. We immediately contacted Helena and formulated a plan just to save my twin sister.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Everything that is happening in her life is my fault. Ako ang nagdala sa kanya sa gulong ito pagkatapos ako rin ang dahilan upang malagay siya sa kapahamakan. Kasalanan ko ang lahat ng ito.
We needed to succeed on saving her. Hindi pa ako nakakabawi sa kapatid ko. I still wanted to be with my sister once more. I wanted to create more memories with her. Marami na ang taon na nasayang dahil sa pagkakawala niya. Ayokong madagdagan pa iyon.
Laking tuwa ko nang matagumpay naming nailigtas si Helena. She needed to be protected at all cost. That's how precious she is.
Hindi na rin ako nagtangkang kausapin ang mag-inang Santos lalo pa't ramdan ko pa rin ang galit nila sila akin lalong-lalo na si mama Fiona. Nakita ko kung paano nila mahalin at alagaan si Helena. Talagang tinuring nila siyang parte ng kanilang pamilya. I am happy for my sister because the family who founds her, treated her like their own. But...I couldn't help but to feel envious towards her.
Mahal na mahal siya ng dalawang pamilya niya. Isang bagay na wala sa akin.
Wala na rin nagawa sila Raphael nang naisin ni Helena na sumama sa amin pabalik sa San Diego. Pabalik sa kung nasaan talaga ang buhay ng kakambal ko. Ang buhay na pinagkait ko sa kanya.
"Helena? Thank goodness you're safe," salubong na wika ni mamá sa aking kakambal. Napalingon sa akin si Helena at bakas sa mata niya ang pag-aalala para sa akin kaya binigyan ko na lamang siya ng tipid na ngiti.
Ibinalik niya ang atensyon sa aming magulang na nasa harapan niya.
"We are so worried about you," wika pang muli ni mama nang makabitaw na sa yakap kay Helena.
"Maayos naman na po ako. 'Tsaka isa pa ay iniligtas naman po ako ni Jimena at Franco." Dahil sa sinabi niya ay biglang natigilan sila mamá.
Doon lang ata rumehistro sa kanila na kasama rin ako ni Helena. Akalain mo iyon. Wala talaga silang pakealam sa suwail nilang anak.
"You must be hungry. Come. Kumain ka. Sasaluhan ka namin ng papá mo," saad ni mamá at iginaya si Helena papasok. Sumunod naman sa kanila si papá na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
What do I expect? Na pupuriin nila ako sa pagligtas ka Helena?
Isang malaking milagro kung gagawin nga nila iyon 'tsaka isa pa ay hindi ko naman ginawa iyon para sa kanila. I did it to save my sister.
Imbis na sumunod sa kanila ay napagdesisyunan ko na lamang na magtungo sa talon ng lagrimas kaya nagsimula na akong tahakin ang daan papunta roon.
Kung sineswerte nga naman. I just saw Charity busy laughing with Javier. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanila.
Bakit lahat sila ay masaya? Kailan ko ba matatamasa ang kasiyahan? Maybe ay hindi na.
When they sensed that someone is watching them, they turned their gazes on me.
"Jimena," masayang sambit ni Charity sa pangalan ko at kumaway sa akin. Habang si Javier naman ay nakita kong mariin lamang na nakatitig sa akin.
Hindi ko na sila pinansin at sa halip ay nagdiretso na lamang ako sa talon. I needed that place right now.
BINABASA MO ANG
Sincere Love
RomanceAMOR SERIES # 3 Amor Sincero Doubts. Judgments. And love. Can Jimena accept without inhibitions a love gifted to her sincerely?