Today is another day. A bright sunny day to be exact. Hindi man naging maayos ang mga nagdaang araw sa akin dahil sa lungkot at sakit but now is different. Hindi ako pwedeng lagi na lang ganoon. I promised to myself na pagbibigyan ko ang sarili kong maging masaya at lumaya na muna kahit pansamantala.
I decided to go out of my room to went downstairs. Sa pagbaba ko ay nagulat ako sa nadatnan ko. Javier is talking casually with my parents in the living room!
"Jimena, hija. Ven aquí," wika ni papá dahilan upang magtungo ako sa kanila.
(Come here.)
"Inimbitahan namin si Javier na dito na muna magtanghalian sa atin," nakangiting wika naman ni mamá. Tumango na lamang ako sa kanila.
Ano ba dapat ang sabihin ko? Wala naman siguro kaya minabuti ko na lamang na itikom ang aking bibig.
"Siya rin pala ang nakabili ng lupa ng mga Silvestre," saad naman ni papá at halatang proud siya sa naabot ni Javier. Sabagay, halos natunghayan na rin ng aking magulang ang paglaki ni Javier. Sa amin na naninilbihan ang kanyang mga magulabg. Pati siya ay nanilbihan din sa amin. Nakakalungkot nga lang dahil hindi niya matagal nakasama ang ama. Base on on other people's story, bata pa lamang noon si Javier nang piliing iwanan sila ng kanyang ama. I never met him dahil hindi pa naman ako nabubuhay ng panahong naririto pa sa hasyenda ang kanyang ama.
"Ah lalabas na muna po ako," paalam ko sa kanila.
Hindi ko ata kaya ang madidilim na tingin ni Javier sa akin. I needed to stay away from him. I needed to take a break from the intense stares of his piercing black orbs.
"No! Quédate aquí. Nakakahiya kay engineer," mariing wika ni papá pagkatapos ay tumawa kahit wala naman nakisabay sa pagtawa niya.
(Stay here.)
"Upo ka muna sa tabi ni Javier, hija," utos sa akin ni mamá.
"Per—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa tiningnan ako nang mariin ni papá na nagsasabing dapat ay sumunod na ako.
Nagbuntong-hininga na lamang ako at sumunod sa utos ni mamá. I sat beside Javier but I gave an ample space para hindi kami magkadikit.
Tumawa si mamá. "Parang wala naman kayong pinagsamahang dalawa. Move closer, hija," wika ni mamá kaya napapikit na lamang ako nang mariin bago sinunod siya.
Hindi ko alam kung nanadya ba talaga si mamá. Come to think of it. Halos lahat sa mga trabahante ay alam na may gusto sa akin si Javier noon, alam din kaya iyon nila mamá? Hindi ko alam at ayoko na ring alamin pa.
I can feel Javier's stares at me but I just chose to ignore it. My heart is beating fast nang dahil lang sa kaonting pagtatama ng balat namin ni Javier.
"Kumusta naman ang buhay Canada, hijo?" tanong ni mamá.
"Ayos naman po although ibang-iba sa buhay dito sa San Diego. Kahit ang mga tao roon ay iba rin ang paniniwala at ang kanilang mga galaw," wika ni Javier at nakita ko naman ang aking magulang na tumango sa sinabi niya.
"Si Romina, kumusta naman siya?"
"Ok naman po si inay, señora. Sa katunayan nga ay nalalagi lang siya sa aming nirerentahang tuluyan pansamantala."
"Bakit pa kayo nagrerenta kung pwede naman kayong dito muna sa mansion tumuloy?"
"Tama si Miguel, hijo. You and Romina is welcome in our home."
Ngumiti si Javier kanila papá. Oh, how I miss those smiles.
"Maraming salamat po pero hindi naman na kailangan. Nakapagbigay na rin naman kami ng advance at deposit sa landlord. Sayang naman po kung hindi namin iyon magagamit," ani Javier at tumango naman ang aking magulang sa kanyang tinuran.
BINABASA MO ANG
Sincere Love
RomanceAMOR SERIES # 3 Amor Sincero Doubts. Judgments. And love. Can Jimena accept without inhibitions a love gifted to her sincerely?