"Jimena, ayos ka lang ba?"Napatingin ako sa kakambal ko at nakita ko ang nag-aalala niyang mukha.
Narito ako ngayon sa kanilang bahay ni Franco dahil naisipan kong bisitahin siya ngayong araw. Matagal-tagal na din kasi nang huling magkita kaming dalawa. I wanted to have a great time with her but my mind is bringing me elsewhere.
I curved my lips into a smile. "Of course. Bakit naman hindi ako magiging ayos?"
She shrugged her shoulders. "I don't know. You tell me why."
Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang bumabagabag sa akin.
"You know that you can tell me anything," aniya dahilan upang mapabuntong-hininga ako bago ko tiningnan siyang muli.
"It's just...lately someone is invading my mind," I said but she just look into me and giving me a slight nod.
"Kapag magkasama kami ay siyang saya ang nadarama ko at tuwing nagkakadikit ang aming mga balat ay tila ako ay nakukuryente. Napapangiti niya rin ako sa mga simpleng ginagawa niya para sa akin," I said and I saw her smile like an idiot.
"Hindi ko alam kung bakit iyon nangyayari sa akin?"
"Alam kong alam mo kung bakit. You just didn't want to admit it," saad niya at para iyong isang punyal na tumama sa akin. Hindi ako nakailag.
"Pero ang alam ko ay si Raphael ang mahal ko," wika ko pero inirapan niya lang ako.
Marunong din palang mang-irap ang anghel na katulad niya. I wanted to pinch her cheeks because of her adorableness pero naalala ko ang aking iniisip kani-kanina lang.
"It's obvious that you are over my brother and that man you are saying, siya na ang laman ng puso mo ngayon."
Umiling ako. "Imposible. Magkaibigan lang kami ni Javier," saad ko at mas lalong lumapad ang ngisi niya.
"Hindi ganyan ang mararamdaman mo kung kaibigan lang ang turing mo sa kanya," aniya dahilan upang mapaiwas ako ng tingin dahil sa totoo lang ay tama ang sinabi niya.
"You just have to admit it to yourself. Wala naman mawawala sa'yo," dagdag niya pa.
"Pero Helena..."
"What's the problem? Ikaw lang naman din kasi ang makakatukoy kung ano ang nararamdaman mo," aniya at tumayo na siya. "Maiwan na muna kita at titingnan ko lang ang niluluto ko."
Nang maiwan akong mag-isa ay paulit-ulit nagple-play sa aking isipan ang sinabi ni Helena.
Totoo kaya.
Maybe this is really love.
Alam ko, I am just confuse right now. Pero paano nga kung mahal ko na si Javier? Would I take risk to gamble our friendship just to confess my feelings to him? Pero kailangan ko ring isaalang-alang ang maaring mangyari lalo pa ngayon na baka tuluyan na silang umalis ni aleng Romina rito sa San Diego.
Napailing na lamang ako.
If I were that same Jimena before, sigurado ako na susugal ako. Everyone told me, I am a pretty bold lady, a lady who always know what she wants and will make everything just to get it. Pero nang dahil sa mga nangyari, I wasn't that the same Jimena.
Takot ako. Nababalot na ng takot ang buong pagkatao ko dahil ang totoo ay hindi naman talaga ako matapang tulad nang inaakala ng karamihan.
Hindi ba pwedeng masaktan din ang mga taong katulad ko?
My first love was my biggest heartbreak. What is the assurance that I will not experience that the same heartbreak if I will take the risk?
Si Javier kaya. Does he feels the same way for me? Kung oo, may magbabago ba?
BINABASA MO ANG
Sincere Love
RomanceAMOR SERIES # 3 Amor Sincero Doubts. Judgments. And love. Can Jimena accept without inhibitions a love gifted to her sincerely?