Nakatingin lamang ako sa hawak kong paperbag. This paperbag contains a Gucci men's wallet. I thought countless of times on what perfect present should I give Javier. I still have doubt on my chosen gift pero sana ay hindi nga ako nagkamali.
Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung magugustuhan ba niya ito?
I hope, he will because he deserve this kind of gift for all his hardships and sacrifices.
Lumabas na ako ng mansyon at magtutungo sana sa bahay nila dahil ever since nakapasa siya sa board ay medyo naging abala siya upang mag-asikaso ng napakaraming bagay. He even resigned to be our worker in which I expected naman. At least he'll be able to achieve now his goals.
I am happy for him dahil finally, malapit na niyang mabigyan ng magandang buhay si aleng Romina na siyang matagal na niyang pinapangarap. Makakamtan na niya ang buhay na pinagkait sa kanya ng kapalaran.
Napatigil na lamang ako nang makasalubong ko siya. He is wearing a plain white shirt and a khaki pants. Kahit simple lang ang damit ay hindi nito kayang itago ang kanyang kakisigan. Hindi ko man iyon napapansin dati pero ngayon ay kitang-kita ko ang pagiging magandang lalake niya kaya there's no doubt why a lot of ladies saw him as an ideal man because he really is.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Pupuntahan sana kita sa bahay niyo."
His eyes widen as he looked at me shockingly. "Sa amin? Bakit?"
"I know it's very late pero sana tanggapin mo itong munting regalo ko sa'yo," I said as I lift up my right hand to let him see the present I am holding.
Kinuha niya naman ito agad at tiningnan ako nang nakakunot ang kanyang noo.
"Para saan ang regalong ito? Hindi ko naman birthday ah," aniya habang diretsong nakatingin sa akin.
"Isipin mo na lang na regalo ko iyan sa'yo para sa pagkapasa mo sa board also papasalamat na rin for always being there for me especially when I needed you the most," nakangiti kong wika kaya naman ay tumango siya at sinimulan nang buksan ang paperbag.
Nang makuha niya ang box na nasa loob ay agad niya akong tiningnan. He looked at me and I just gave him my smile saying, he should open the box. At ganoon nga ang ginawa niya.
Inilingan niya ako. "Señorita, hindi ko ito matatanggap," saad niya habang pilit inaabot pabalik sa akin ang regalo.
My face fell because of his sudden action.
"Hindi mo ba nagustuhan? Gusto mo ibili kita ng bago? Anong gusto mong regalo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya pero umiling na lang siya ulit.
"Hindi naman sa gano'n. I like it, really. Kaya lang kahit wala akong masyadong alam sa mga branded at mamahaling gamit ay sigurado akong mahal ang pagkabili mo nito. Hawakan pa lang ay ang mahal-mahal na sa pakiramdam."
"Javier, kunin mo na at wala naman akong pagbibigyan niyan. I can't return it anyway."
"Pero..."
Nginitian ko siya. "It's fine. Masaya ako na nabilhan kita ng ganyan. 'Tsaka isa pa ay magagamit mo iyan lalo pa't naghahanap ka ng trabaho ngayon."
Wala na siyang nagawa kundi ang tumango at tuluyan niya nang tinanggap ang regalo ko sa kanya. Though his face is still doubting, I'm glad that he still accepts it.
"Bilang pasasalamat ko sa regalo mo ay ililibre na lang kita," nakangiti niyang wika.
"There's really no need to do such but maybe I can take advantage of your suggestion," nakangiti kong saad at umiling na lamang siya.
BINABASA MO ANG
Sincere Love
Storie d'amoreAMOR SERIES # 3 Amor Sincero Doubts. Judgments. And love. Can Jimena accept without inhibitions a love gifted to her sincerely?