Capítulo Cinco

142 12 3
                                    

Magbre-breakfast na sana ako nang makita ko ang magulang kong kumakain sa hapag. I halted and turned my back on them and decided to go outside first to get some fresh air.

Ayokong makasabay sila sa pagkain.

"Jimena, sabay ka na sa amin," yaya ni mamá sa isang malambing na boses.

Napapikit na lang ako nang dahil sa inis.

Bakit kailangan niya pa akong alukin? Why don't they just leave me alone?

Hindi ko na nga sila ginagambala. Why can't they give me that same courtesy? Nakakainis na talaga kung paano siya umasta. Akala mo kung sinong napakabuting ina.

Magsisimula na sana akong maglakad pero si papá naman ang nagsalita.

"Comer con nosotros," mariing utos ni papá kaya wala na akong nagawa kundi ang humarap sa kanila at umupo sa left wing ng mesa.

(Eat with us.)

Sa bahay na ito, kung ano ang sabihin ni papá ay siyang batas. I hate him for that. Nakakasakal na mabuhay na kada kilos at pananalita ko ay kalkulado. Well, too bad for them because this daughter they have is not born to please them or anybody else.

The table was silent while we are busy eating. I can only hear the clinking sound of the utensils.

Ayoko rin namang magsalita. I have nothing to say. Kaya minabuti ko na lamang kumain nang tahimik.

"Nasabi ni Victoria na nagtungo ka raw sa kanila kahapon. Anong ginawa mo roon? Asking for forgiveness, perhaps? Kung ganoon nga ay mabuti dahil nakakahiya sa pamilya nila ang ginawa mo," walang emosyong tanong ni papá sa akin.

I tried so hard not to roll my eyes and fortunately, I succeeded.

"No. May sinabi lang akong mahalaga kay Franco." Ganoon din ang mababakas sa boses ko, walang emosyon.

"Ano naman ang mahalagang sinabi mo sa kanya?" tanong ni papá at bakas ang sarkasmo roon.

"I believe, it doesn't concern you at all then you don't have to know," saad ko dahilan upang marinig ko ang marahas na
pagbagsak ng kanyang kutsara't tinidor.

"Miguel, maghunos dili ka," wika naman ni mamá sa kanya.

"Ganyan ka na ba ka-walang respeto sa magulang mo? Walang-wala ka kay Helena. Sa maikling panahon na nakasama namin siya ay sigurado akong mabait at mapagmahal siyang bata. Hindi katulad mo na noon pa lang ay sakit na sa ulo!" sigaw niya sa akin but just like the old times ay hindi na ako nagitla dahil doon.

Sanay na ako sa kanya. Sanay na sanay na.

"Kung sana ay si Helena na lang ang kasama namin dito at hindi ikaw!" patuloy niya pa.

"Tapos ka na, papá? Pwede na po ba akong umalis?" wika ko at binigyan diin ang salitang po.

Hindi na siya nagsalita pa kaya't tumayo na ako at nagsimula nang maglakad palayo sa kanila.

Sino ba sila sa tingin nila?

Ayaw nila akong kasama rito, then I myself siguradong ayoko rin dito. Kung pwede nga lang sanang bumalik sa pamilya Santos pero isa rin pala sila na kinamumuhian ako.

Saan nga ba talaga ako nababagay? Hindi ko rin alam kung may lugar ba ako sa mundong ito. 'Yong mga mababait lang atang nilalang ang nababagay dito. I am not one of them.

I am never the kind one.

I am never the perfect daughter.

"Mukhang malungkot ka, señorita."

Sincere LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon