Epílogo

323 11 16
                                    

Nakatingin lamang ako sa talon ng lagrimas, ang talon na dahilan upang mapalapit ako sa aking sinisinta, ang talon na naging saksi ng mga ala-ala namin ni Jimena.

"Señorita, nais niyo po bang maglaro?" tanong ko sa anim na taong gulang na si señorita Helena. Nakasuot siya ng puting bestida at nakatirintas din ang kanyang buhok.

"Maghabulan tayo," nakangiting saad niya.

Bakit ba gustong-gusto niya ang larong iyon, eh lagi ko rin naman siyang nahuhuli?

"Helena!"

Napatingin kaming dalawa sa kanyang kakambal na naglalakad papalapit sa amin.

Magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Iyon nga lang ay maamo ang mukha ni Helena at malamlam ang kanyang mga mata, mga katangian na wala ang kanyang kakambal na si Jimena.

Kung iyakin at mabait si Helena, palaban at mataray naman si Jimena. Mga bagay na dahilan upang kainisan siya ng karamihan na mga bata.

"Nakikipaglaro ka na naman sa kanya. Kung gusto mo ng kalaro ay tayo na lang ang maglaro," wika niya sa kanyang kakambal.

"Pero Jimena..."

"Halika na. Bumalik na tayo sa mansyon," ani señorita Jimena. Tumingin pa sa akin si señorita Helena kaya nginitian ko na lamang siya.

Nagsimula na silang naglakad palayo sa akin pero lumingon din sa akin si señorita Jimena at tiningnan ako nang masama.

Ano ba ang ginawa ko?

Hindi ko naman kasalanan na gustong-gusto akong kalaro ng kapatid niya.

Pinagwalang kibo ko na lamang iyon.

"Grabe talaga ang crush mo. Ang maldita kahit kailan," naiiling na wika ni Enzo. Magkaedad lamang kami. Parehas kaming siyam na taong gulang.

"Hindi ko nga gusto si señorita Jimena," naiinis kong wika habang kumakain kami ng nakakamay.

"Tigil-tigilan mo nga ako. Halata ka naman eh," aniya kaya naman napailing na lang ako.

Kakatapos ko lang pakainin ang mga kabayo sa kwadra at maglalakad na sana ako paalis nang makita ko si señorita Jimena na naglalakad papunta sa akin. Her aura is dark and she exudes nothing but bravery.

"Ayokong nakikipaglaro ka kay Helena," mariin niyang wika.

"Wala namang masama señorita kung naglalaro man kami ng iyong kakambal," mahinahon kong tugon.

"Hindi pwede!"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit hindi pwede, señorita?"

"Dahil sinabi ko! Hindi nababagay ang mga tulad namin na makihalubilo sa mga tulad niyo," aniya at umalis na nang tuluyan.

Napailing naman ako. Hindi lang pala maldita at mataray ang prinsesa, matapobre rin pala.

Wala naman akong pakialam sa batang señorita kaya lang ay patuloy ang pagpupumilit ni Enzo na may gusto ako sa señorita. I don't like her. I don't like people who think so highly of themselves that they see us so low.

Ano naman ngayon kung namulat kami sa kahirapan?

Ano naman kung hindi namin tinatamasa ang tinatamasa nilang karangyaan?

Does that makes us less of a human?

Of course not. Pare-parehas lang naman kami ng hanging nilalanghap, lupang tinatapakan at langit na tinitingnan. Walang masama sa estado ng buhay namin.

Mabilis lumipas ang panahon. Hindi ko alam pero nang makita kong lumuluha ang walong taong gulang na si Jimena sa talon ng lagrimas ay nagbigay iyon ng kakaibang sakit din sa aking dibdib.

Sincere LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon