Tamis-Pait

0 0 0
                                    

Minsan na nating pinagsaluhan ang lamig ng hanging marahang dumadampi sa ating balat tuwing umaga. Sabay tayong humihigop ng kapeng ikaw mismo ang nagtimpla. Hanggang ngayon nga'y nalalasap ko pa ang tamis nito na para bang parte na ito ng aking araw-araw na panlasa. O, kay sarap talaga! Ang sarap ng umaga sa tuwing matitikman ang init ng kapeng hatid mo, iyong tipong kahit anong lamig ay makakaya ko.

Kahit anong
Lamig
Ay makakaya
Ko,

Ngunit pala-hindi ang panlalamig mo.

Hindi ako sanay na sa tuwing bubuksan ko ang aking mga mata ay liwanag na lamang ng araw ang unang naaaninag ko na dati'y mga ngiti mo. Hindi na ako sanay na ibang tao na ang nagtitimpla ng kape ko. Hindi na gano'n katamis at hindi na ako hinihele ng init na hatid nito. Hindi na ito nagiging sapat para pasiyahin ako... hindi na.

Hindi na sapat ang kaalwanang ibinibigay nito. May lamat na ang tasang ilang taon nating pinuno ng alaala na sa isang pitik ng mga daliri, sa isang pigil na paghinga at isang kisap ng mata ay naglaho na. Ang kutsaritang pinuno natin ng halik sa magkabilaang bahagi'y nangalawang na.

Mahal, ngayo'y magtatanong ako. Paanong ang paglaban ay naging pagsuko?
Paanong ang pagkapit ay naging pagbitiw?
Paanong nawala ang samu't saring aliw
Na pumupuno
At nagbibigay-buhay
Sa ating mga puso?

Mahal, kung ang kape ay maaaring uminit muli kapag nanlamig na, hindi ba maaaring maging kape na lang kita?

------
FB: Elle Dama
Instagram: elledamahahahah
Twitter: elledama

We will all be healed!

I Bet You Love MeWhere stories live. Discover now