Chapter Three

13.3K 542 52
                                    

Chapter Three



Boyfriend



"Ano?!" Sanna reacted.

Sinabi ko na sa kanila na pinuntahan ako ni Jake sa bahay.

"Pinatulog mo pa sa bahay mo?" si Doris. "Lou, hindi mo pa rin kilala 'yong tao. Paano kung..."

"Paano kung psychopath pala iyon? Hindi ka nag-iingat, Lou!" napasapo si Sanna sa ulo niya.

I sighed. Alam kong nag-aalala lang sila. "Hindi naman... Mabait nga si Jake." pagtatanggol ko naman. "Ipapakilala ko rin kayo sa kaniya." I told them.

"Hayaan n'yo na si Lou. Matanda na siya at alam na niya ang ginagawa niya. Hindi naman siguro niya patutuluyin 'yong tao kung hindi siya komportable."

Tumango ako kay Wilma.

Nagbuntong-hininga nalang si Sanna at naupo na muli sa tabi ko. "So, nagkantutan kayo ulit?" Sanna asked.

Nanlaki ang mga mata ako at sinaway siya. "Ang vulgar mo!"

Inirapan niya lang naman ako. "Ano? Sex? Pareho lang naman 'yon, in-english lang." aniya pa.

Nagbuntong-hininga nalang ako.

"Gumamit ba ng proteksiyon?"

Umiling ako kay Sanna. "Nag-p-pills naman ako-"

"Kahit na!" Natigilan ako. "Lou, iwas dapat sa sakit! Paano kung may sakit siya?!"

Umiling ako. Mukhang healthy naman si Jake... "Wala naman siguro-"

"Haynako!" mukhang stressed na sa akin si Sanna.

Tinukso naman ako nina Wilma.

"Nako, Lola, ang landi na po ngayon ng apo n'yo." tumawa si Doris na kunwari kausap ang lola ko.

Naisip ko nga rin si Lola. Sigurado hindi 'yon sang-ayon na may pinatulog akong lalaki sa bahay... Napatayo ako nang marinig na may tao sa labas. "May inaasahan ka pa na ibang bisita?" tanong ni Sanna.

"Hindi ako sigurado pero baka si Jake..."

"Sus! Kaya naman pala may paglugay na ngayon ng buhok!" tukso ni Wilma na pabiro rin hinila ang mahaba kong buhok.

Napatawa lang naman ako bahagya sa tukso ng kaibigan. "Nakalugay naman talaga ang buhok ko kapag nasa bahay lang ako, ah."

"Sige na, pagbuksan mo na 'yon." paalala sa akin ni Sanna.

Iniwan ko muna ang mga kaibigan doon sa sala ng bahay ko. Lumabas ako at pinagbuksan ng gate ang tao sa labas. I automatically smiled when I saw Jake. He has a smile for me, too. Pinatuloy ko siya agad. Ang bilis naman yata niya. May dala na siyang duffel bag. Parang kumuha lang siya ng damit.

"Jake, mga kaibigan ko. Si Sanna, Doris at Wilma." pakilala ko.

Halos mag-unahan sa pag-abot ng mga kamay nila ang mga kaibigan ko sa dumating.

"Jake Montañez," pakilala rin ni Jake sa sarili at may guwapong ngiti sa mga labi.

Nakangiti rin ako.

"Paupuin natin!" si Sanna na nilahad ang sofa kay Jake.

"Akin na," kinuha ko naman kay Jake ang dala niyang bag para ilagay sa kuwarto.

Nang makabalik ako sa sala ay parang in-interview na ng mga kaibigan ko si Jake na maayos din na sumasagot sa mga kaibigan ko. Kung ano-ano ang tinatanong nila. Kung saan ito galing o kung ano ang trabaho.

Villa Martinez Series #3: Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon