Chapter Eighteen

11.4K 498 27
                                    

Chapter Eighteen



Teacher



"Ang matapobre naman pala niyang Nanay ni Jake! Alam ba ni Jake na ganiyan ang trato ng Nanay niya sa 'yo?"

Umiling ako kay Sanna.

"Bakit? Dapat sinumbong mo!"

"Ina niya pa rin 'yon, Sanna. Ayaw ko naman magkasamaan ng loob si Jake at ang Mommy niya."

Nagbuntong-hininga nalang si Sanna.

Nakatingin din sa akin ang dalawa ko pang kaibigan. Bumaling nalang muna ako kay Karlo na kandong ko. Wala siyang malay na nakaalis na kami ng Maynila at narito na nakauwi sa Negros.

Umalis si Jake para sa business abroad. Habang wala siya ay nag-impake na ako at umalis kami ni Karlo pauwi rito sa probinsiya. Nag-iwan naman ako ng sulat para sa kaniya.

Siguro nga tama ang Mama ni Jake na hindi ako nababagay sa mundo nila. At siguro totoo rin iyong sinabi ni Criselda na may iba pang deserve si Jake at hindi ako 'yon. Someone better than me, someone like Criselda Go. Dahil mas malapit ang mundo nila. Ano lang ba naman ako? Isang probinsyana.

"Ano na'ng plano mo ngayon, Lou?" tanong sa akin ni Doris.

"Maghahanap ako ng trabaho."

"Magturo ka ulit." sabi ni Wilma.

Tumango ako sa mga kaibigan ko. Kailangan kong magtrabaho at magpatuloy para kay Karlo. Hindi ako maghihintay nalang kay Jake. Kung wala siyang plano sa amin ay ayos lang. Kaya kong buhayin mag-isa ang anak ko. Hindi ko rin naman talaga ilalayo sa kaniya si Karlo. He can still see him. Puwede niyang bisitahin dito. Hindi na kasi ako mahihirapan dito sa probinsya dahil marami na akong kakilala at may bahay na rin. Ayaw ko nang umasa kay Jake. Pag-uusapan nalang namin ang tungkol kay Karlo. Hindi na niya kailangang mapilipitan pang pakisamahan ako para lang sa anak namin.

Kaya sa sumunod na araw ay sumubok na akong mag-apply ng trabaho. Iniwan ko muna si Karlo kay Doris na nagsabi rin na siya na pansamantala ang bahala sa anak ko.

"Ma'am?"

Napalingon ako at nakita ang isang dating estudiyante. Nakilala ko ito bilang isa sa mga unang naging students ko noong bago pa lang ako sa pagtuturo.

"Ma'am Cañete!" malaki ang ngiti nito.

Napangiti na rin ako at hinarap ito. Dumaan ako sa isang maliit na grocery sa sentro para bilhan ng gatas si Karlo. Pauwi na rin. "Bornales?" banggit ko sa apelido nito.

"Ako nga, Ma'am." bahagya pa nitong inayos ang maputing uniform. "Ang ganda mo pa rin, Ma'am." he grinned.

Inilingan ko lang iyon na may ngiti sa mga labi. "Kumusta ka na?"

"Ito, Ma'am, nakakasampa na rin sa barko." anito.

Natuwa naman ako. I felt proud. Naalala ko ito bilang isa sa mga estudiyante ko noon na bulakbol. Hindi mo nga naman masabi. People are really capable of change.

"Salamat, Ma'am. Kung hindi kayo nagtiyaga noon kahit ang titigas ng ulo namin wala kami sa kung nasaan kami ngayon." ang dati kong estudiyante ay ngumiti sa akin ng totoo. Napangiti rin ako. "Salamat talaga sa pasensya, Ma'am. Sa mga aral na tinuro n'yo. Hindi lang sa english," bahagya itong ngumisi. "Pati sa mga aral sa buhay na binahagi n'yo sa amin." he smiled genuinely.

Nakakapang-init ng puso.

Bilang isang guro ay parang isang karangalan na makarinig ng ganito sa isang dating estudyanteng ngayon ay may mas nararating na sa buhay. At ang sarap isipin na naging parte ka ng tagumpay nito.

Naalala ko nga noon na hindi lang ako puro lecture sa pagtuturo. Hinahaluan ko rin ito ng relatable sa mga estudyante at maaring mag-serve sa kanila na inspirasyon. I was also inspired by my teachers, too, noong nag-aaral pa ako. I'd always remember the teachers who did not only taught me academically but also beyond that. They also taught me about life through the stories they taught their students from their own experiences. I realized I want to be that kind of teacher, too. The one who inspire her students, too. Because we remember people who once inspired us. And maybe deep inside we want to be remembered, too.

Nagpaalam na rin akong mauuna at baka hinahanap na ako ni Karlo. At habang nasa tricycle pauwi ay nakapag-isip ako.

I realized I shouldn't put myself down. Pero hindi rin naman siguro maiiwasan na minsan naaapektuhan talaga tayo sa mga naririnig o sinasabi ng mga tao sa paligid natin sa atin... So we should really be careful of our words and action... Hindi lahat malakas ang loob. Hindi natin alam ang pinagdadaanan ng kapwa natin.

Hindi dapat ako panghinaan. What Jake's Mom or Criselda or those people said shouldn't affect me. Hindi ako mababa. Wala namn talagang mababa. Everyone has their fair shares of weaknesses and strengths. Hindi ako basta lang guro. I taught my students and I'd like to believe that I taught them well. Being a teacher is never easy. Sa pag-aaral pa lang, pagtatapos, review, pag-take ng board. Teachers shed tears, too. I remember how I cried in joy when I passed the licensure examination for techers. I knew it was just a step. But it was already a start for me. Inalala ko pa lang ang mga sleepless nights ko rin noon sa pag-r-review. The anxiety na baka hindi ako pumasa. So I was really happy when I took my oath and got my license.

Hindi naman ako perpektong tao and I will never be but I know I did my job. I did my call. In a way I was able to help my students, too. I'd like to believe that. Sometimes we just have to have faith in ourselves.

Pagkababa ko sa tricycle ay parang pakiramdam ko naulit iyong nangyari noon. Na naabutan ko si Jake sa labas ng gate ng bahay ko.

Hindi pa siya nakakakatok doon nang nakita niya ako. Nakababa na ako sa tricycle at nakaalis na rin ito. Nagkatinginan kami ni Jake. We stood there with a little distance, looking at each other. I can't read his mixed looking expression. Pero may isa akong sigurado roon. He's angry.

"Jake," tawag ko.

I saw him clenching his jaw and he looked away. Na para bang ayaw niya akong tingnan dahil lalo lang siyang magagalit.

Unti-unti akong humakbang palapit sa kaniya. Marahan ko na rin tinulak ang gate pabukas. He's just beside me. "Where's Karlo?" he asked.

"Nasa loob siya..." I answered and looked up at him. He's obviously gritting his teeth.

Nauna nalang muna akong pumasok sa gate at sumunod naman siya.

Villa Martinez Series #3: Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon