Chapter Nine

10.5K 421 24
                                    

Chapter Nine



Parents



I started working as junior editor in the company while Sony was already a senior editor. Naging busy na rin ako at pinagbubutihan ko talaga sa trabaho. Nagustuhan naman iyon ni Sony at natuwa rin ako. Mababait din ang mga kasama ko. "Sige, mauna na kayo tapusin ko lang 'to." sabi ko sa kanila nang yayain nila akong mag-lunch. May oras pa naman kaya kahit mamaya na.

I was busy in my cubicle and in front of the computer when my phone rang. Tiningnan ko iyon at nakitang si Jake ang tumatawag. Sinagot ko muna iyon at matampuhin pa naman ang lalaking 'to kapag hindi ko agad nasasagot ang mga tawag niya. "Jake,"

"Hey, babe. Still at work?"

"Yup!" binabasa ko ang nasa screen ng computer ko at the same time while answering his call, too. May hinahabol kasi ako na oras at deadlines.

"Sunduin kita mamaya d'yan sa workplace mo." he said.

"Yes, baby. Thank you."

"Busy?"

"Right now? Yes,"

I heard him sighed from the other line. "Mas busy ka na yata ngayon. And isn't it lunch hour?"

I chuckled a bit. Nag-focus na muna ako sa pakikipag-usap sa boyfriend ko. "Dati naman na akong busy, ah. Palagi ka nga lang naiiwan mag-isa no'n sa bahay."

"Iba 'yon. We live in the same house."

Napangiti lang ako at nagbuntong-hininga. He's still pushing it.

"Eat your lunch, babe." he reminded me.

I nodded kahit hindi naman niya nakikita. "Yes, patapos ko na rin naman 'tong ginagawa ko."

We agreed on meeting later after my work and we'll eat outside first bago uuwi sa condo ko. Nakakita na rin ako ng place ko. It's a small unit at okay naman ang security. Nakapunta na rin doon si Jake at palagi nga siya roon. He's still not working in their company kaya hindi pa siya busy. Hindi na rin ako masyadong nagtatanong sa mga ginagawa niya. We always see each other after ng trabaho ko at kapag off ko.

"Uwi ka na? Sabay na kita." ngumiti sa akin ang katrabaho kong si Joel, isang junior editor din ito. Bago lang din siya at medyo nauna lang ako sa kaniya ng konti rito sa company.

"Oy, Joel, tigilan mo si Lou may jowa 'yan." saway sa kaniya ni Dina na naging kaibigan ko na rin sa trabaho.

"Ganoon ba..." si Joel.

Ngumiti nalang ako sa kanila. "Sige, mauna na ako sa inyo." paalam ko at nasa baba na rin naghihintay si Jake.

"Sige ingat, Lou. Sana all may sundo. Pagod na 'kong mag-commute." reklamo ni Dina.

"Hanap ka na rin jowa, Dina. 'Yong may sasakyan din. Ay, driver yata kailangan mo, girl!" si Pocholo galing sa cubicle nito.

Ngumiti lang ako sa mga naging kaibigan na at kinuha na ang bag ko. "Salamat, Dina. Uwi na rin kayo, Pocholo. Ingat."

"Ingat, Lou!" bilin din naman nila sa akin.

"Sabay nalang tayo pababa." habol sa 'kin ni Joel.

Hinayaan ko nalang siya. Sabay kaming pumasok sa elevator pababa ng building. Naabutan kong naghihintay na nga roon si Jake sa labas lang ng kotse niya at agad lumipat ang tingin sa nakasabay ko. Agad ko siyang nilapitan at sinalubong ng halik sa pisngi niya.

"Who's that?" tukoy niya kay Joel na lumiko na rin para sa sasakyan nito.

"Katrabaho, bago lang din siya. Tara na? Gutom na ako." I went inside his car.

Villa Martinez Series #3: Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon