Chapter Nineteen

13.5K 558 44
                                    

Chapter Nineteen



Marry



"Daddy!" agad tumayo at tumakbo si Karlo papunta kay Jake nang nakita ang Daddy niya. Maagap naman siyang sinalo ni Jake at hinagkan.

Nagkatinginan kami ni Doris. Nagkabatian sila ni Jake bago nagpaalam ang kaibigan ko. Hinatid ko muna ito sa labas. "Okay ka lang?" she asked.

Tumango ako. "Oo, ayos lang ako. Ingat kayo pauwi."

May tumigil na na tricycle sa tabi namin at sumakay na si Doris doon at nakaalis. Bumalik naman ako sa loob ng bahay. Naabutan ko si Jake sa sofa na kandong si Karlo at nanonood sila ng pambatang palabas ng anak namin.

Nagkatinginan kami. Tinungo ko nalang muna ang bag na dala niya para dalhin sa kuwarto.

Nagluto na rin ako ng hapunan at tinawag nalang sina Jake nang natapos. Sinusubuan niya ang anak namin. Habang tahimik lang din akong kumain.

Naliligo si Jake sa banyo habang pinapatulog ko naman si Karlo. He got out of the bathroom with only a towel around his hip. Nagkatinginan kami sandali pero nag-iwas din ako ng tingin at bumaling lang sa anak namin. Karlo's already asleep.

Tumayo ako at kinuha na ang towel. Sumunod ako sa banyo habang si Jake naman ang naiwan sa anak namin. Patay na ang ilaw nang makalabas ako sa banyo. Ngunit bukas pa ang lamp sa side table. Tahimik akong nagbihis ng pantulog.

Nagulat pa ako nang naramdaman si Jake sa likuran ko. "Why did you leave?" he asked beside me.

Marahan akong nagpakawala ng hininga at hinarap siya. Kita pa rin namin ang isa't isa dahil sa bukas na lamp. Binalingan ko muna si Karlo na natutulog sa gitna ng kama bago binalik kay Jake ang tingin ko. I know he's serious.

"May kinalaman ba si Mommy dito? What did she tell you?"

Umiling ako. "Wala, Jake..." I looked away a bit.

I saw his jaw clenched. Sometimes he would really asked me about his Mom. Lalo kapag nakakasama namin ito sa mga events o dinner sa bahay nila. "Sandali lang akong nawala para sa business, 'tapos pagbalik ko wala na kayo ng anak ko." he gritted his teeth. Mukhang galit talaga siya. At minsan lang siya ganito. "And I was only left with that fucking letter?" he said in controlled voice.

Umiling ako. "Jake..." naghanap ako ng mga salita. I already stated my reasons in the letter he mentioned. Mas mahirap nga talaga itong mga confrontation na ganito. "Jake," I bit my lip. He was looking at me intently.

"What did you say in that letter? That I deserve someone better?" his expression changed. He looked wounded or hurt. "Lou," inabot niya ang mga kamay ko at hinawakan. Parang biglang sumakit ang dibdib ko. Lalo sa nakikita kong pagsusumamo sa mga mata niya. "Who else deserves me?" nakatingin siya sa mga mata ko. "Who else than the woman who never gave up on me?"

As if tears automatically pooled in my eyes.

"Who else than you who stayed and sacrificed for me? For Karlo. You've given everything you have and everything you are to us, Lou. I've seen it, love." umangat ang isang kamay niya sa pisngi ko at dinampi ang palad doon.

"Jake," marahan akong suminghap. Parang nanikip ang dibdib ko.

"I am the man I've become today because of your patience and sacrifices. I grew from the childish Jake before to the man I am today who's successful because of you. Because of you, Lou. You showed me the real world. That life is more than just parties and having fun."

"I gave you responsibility-"

"A responsibility that I will always be grateful of." he let out a small smile. "Lou, kayo na ng anak natin ang buhay ko. Please don't just leave me like that... Don't leave me ever." he said in obvious pain.

My tears fell.

Sinubukan niya iyong punasan. "You love me, right?"

Tumango ako. "I'm sorry, Jake..."

Maagap niya akong niyakap. "Shush, I love you." hinagkan niya ako.

"Mahal din kita." niyakap ko siya pabalik nang mahigpit.

Bahagya siyang kumalas para mahalikan ako sa labi. I kissed him back. He bit my lower lip for my lips to part and his tongue could enter. Nadadala na rin ako sa apoy na unti-unting tumutupok sa amin nang naalala ko ang anak ko. "Jake, si Karlo," pigil ko sa kaniya.

Bumaba na ang mga halik niya sa leeg ko at ang mga kamay niya ay bumaba at humawak sa baywang ko.

"Jake," saway ko.

"Our son is asleep." he murmured against my skin.

Bahagya ko siyang sinapak. He chuckled. Maagap ko namang pinatahimik at maistorbo ang tulog ng anak namin. He behaved and we went to bed with Karlo in between us. Bumangon pa si Jake para mahagkan kami ng anak niya. Napangiti nalang ako at pumikit na para makatulog.

* * *

"Bakit kasi hindi mo pa inaaya ng kasal itong kaibigan ko? Nilayasan ka tuloy." tumawa si Sanna.

Nasa bahay lang kami at nag-c-celebrate ng birthday ni Karlo. Nag-p-plano pa si Jake ng malaking party para sa anak namin noon ngunit ayos na rin ang ganitong simple lang. Wala pa naman talagang mga kaibigan ang anak namin. At halos mga kaibigan lang din ni Jake at mga naging kaibigan ko sa dati kong naging trabaho ang halos maiimbitahan namin gaya noon sa first birthday ni Karlo.

Inimbitahan ko lang ang mga kaibigan ko at kasama na rin nila ang asawa at mga anak nila. Naglalaro ang mga bata pagkatapos namin pakainin sa mga handa. Kami namang adults ay nag-iinom na ng konting alak dito.

Bumaling sa akin si Jake. Nag-iwas ako ng tingin. "Kuha lang ako ng dagdag na pulutan." paalam ko at tumayo na patungo sa kusina.

Karlo was more happy today. Siguro dahil marami siyang batang nakitang kagaya niya na mga anak ng mga Tita niya. Minsan lang din kasi niya makalaro ang mga anak ng mga kaibigan ni Jake sa Manila. He was even giggling a while ago after he blew the candle on his 2nd birthday cake. Napangiti ako habang inaalala ang anak na ngayon ay nasa sala at nakikipaglaro.

Naramdaman ko ang yakap sa akin ni Jake galing sa likod. Habang nakaharap ako sa hinahandang pagkain na dadalhin sa labas. He kissed my cheek, too.

"Jake," napatawa nalang ako sa kiliti ng paghalik-halik niya.

"I love you." he said.

"I love you, too." I replied.

"Where do you want to get wed? Sa Manila ba o rito?" he suddenly asked.

Natigilan ako. "Nag-p-propose ka ba?" pinagpatuloy ko ang ginagawa kahit sa loob ko ay naghuramentado na ako.

He sighed. "I'm sorry. Of course I will marry you. Nasa plano na 'yon."

He has plans.

"But, remember when we visited Talisay years ago? The Ruins? I was looking at you then. I saw the amazement in your eyes. Habang sinasabi mo sa akin noon ang pagmamahal na mayroon ang Don sa asawa niya that he built her a mansion. I told myself one day I'll built you a mansion, too. Pero hindi ganoon na malungkot. It would be our home. Doon natin palalakihin ang mga anak natin at doon tayo tatanda."

What he just said touched my heart. "Hindi naman na kailangan, Jake..."

"You deserve it." he said it genuinely.

Lalong nag-init ang puso ko.

"I plan to propose to you 'pag natapos na ang bahay na pinapatayo ko sa Manila... Although kinakabahan din ako." he chuckled a bit in my ear. Nanatili rin ang yakap niya sa akin. "I even watched marriage proposal videos and asked my friends in preparation." he chuckled more. Para bang natatawa siya sa sarili niya. 'Tapos nagseryoso siya. "I'm sorry, love. It took me long..."

Umiling ako. "It's okay. And I can marry you anywhere." I said it with a smile.

Humigpit ang yakap niya sa akin.

Villa Martinez Series #3: Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon