Chapter Five
Desperate
"Kumusta ang masaganang pechay?!" ngising-ngising bungad sa akin ni Sanna.
Pinagbuksan ko sila ng gate at pinapasok. Dala niya ang two years old na babaeng anak at inaanak ko rin. "Rosie!" agad kong pinanggigilan ang bata. Ako na ang bumuhat dito papasok sa bahay.
"Nasaan si Jake? Dinala ko pa naman si Rosie para manghingi kami ng maagang regalo sa Ninong niya. Yaman, e." ngumisi siya.
Napailing nalang ako sa kaibigan. "Wala si Jake, umuwi muna sa kanila." sabi ko.
Jake needed to go back to Manila. Nakaalis na rin sa Villa Martinez ang mga kaibigan niya. He said he'll come back.
"Ay, ganoon ba?"
Tumango ako. Binaba ko si Rosie sa sofa. "Oo, na-b-bore din 'yon mag-isa rito sa bahay kapag nasa eskwelahan ako. Babalik daw siya."
"Yiee! Sana all binabalikan!" tukso niya.
Naiiling nalang ako ngunit may ngiti rin sa mga labi. "Gusto mo food, Rosie?" tanong ko sa bata na nakangiti rin sa akin. Naalala ko iyong mga naiwang pagkain ni Jake na puwede sa bata. I carried her again to my ref.
Sinundan naman kami ng Mama niya. "Wow! Punong-puno, ah!"
"Si Jake ang namili ng mga ito." sabi ko.
"Aba! Ayaw kang magutom."
Dinala ko nalang si Rosie pabalik sa sala. She now has a food in her little hands. I kissed her chubby cheek.
It was a weekend kaya wala akong pasok sa eskwelahan. Inabala ko lang ang sarili sa inaanak ko. Binuksan ko na rin ang TV at nilagay sa pambatang channel.
"Ano na ba kayo, ha?"
I turned to Sanna. "Ano?"
"Kayo ni Jake! Kayo na ba? Ang blooming mo ngayon, ha! Halatang dilig na dilig!"
Umiling ako sa kaibigan. "Wala... Ano... Nag-e-enjoy naman kami sa isa't isa..." medyo naguluhan ako sa sagot ko.
Kunot ang noo ni Sanna. "Ano? Ano ba ang sabi ni Jake?"
"Basta nagkakaintindihan kami," sabi ko.
"Talaga, ha!"
Tumango ako. "Oo," ngumiti nalang ako kay Rosie at nilaro-laro ang bata.
Nag-t-text at tawag naman kami ni Jake. Pati video call. Nagulat pa nga ako nang pagbukas ko ng gate ay naroon na siya nakatayo. "Jake!" tumalon akong yumakap sa kaniya.
Tumawa siya at niyakap din ako. May mga dala rin siyang pasalubong sa akin. "Ang mamahalin naman ng mga 'to." puna ko.
Lumapit lang siya sa akin sa kama kung saan nilatag ang mga pasalubong niya sa akin. He gave me a soft and short kiss. He looked a bit tired probably sa biyahe. Kaya tinabi ko ang mga gamit doon sa kama at pinahiga siya para makapagpahinga. "Are you okay, Jake?" I asked.
"Yeah, just a bit tired." ngumiti siya sa akin. "Check it,"
Tumango ako at tumuon muli sa mga dala niya. Ang dami rin. May perfume, bag, at mga damit pa! May pagkain din. Tapos may mga makeup, at sapatos! "Ang dami nito, Jake! Aanhin ko naman mga 'to?"
He just smiled. Tapos muling bumangon para ipakita sa 'kin ang isa pang kuwintas! Pinalapit niya ako sa kaniya. Bahagya naman akong gumapang sa kama para makalapit. Sinuot niya sa 'kin ang necklace. Naramdaman ko ang magandang pendant no'n malapit sa dibdib ko. "Hindi naman kailangan, Jake..." marahan kong sabi nang hawakan ang pendant.
BINABASA MO ANG
Villa Martinez Series #3: Addicted To You
RomanceMaria Lourdes Cañete celebrated her 29th birthday at the island resort Villa Martinez, resigned to the idea that she might grow old alone. But everything changed with one unforgettable night spent with the stunning Jake Montañez. As passion ignites...